CHAPTER 33

130 6 0
                                    

CHAPTER 33.

Third Person's POV.

"What's going on here?"

Natigilan sila at napalingon sa itaas. Nanlaki naman ang mga mata ni Kyle at pinanliitan ng paningin habang nakatingin sa naglalakad pababa ang kambal ni Aya. Lumingon siya kay Aya at sumulyap na naman sa dalagang naglalakad sa may hagdanan. Tumingin ulit siya kay Aya pagkatapos kay Raya na naman habang nakaturo kay Aya ang kaniyang hintuturo.

Napatawa na lamang si Mika sa naging reaksiyon ng binata. Pakiramdam ng binata ay namamalik-mata lamang siya. Napataas naman ng kilay si Raya nang makarating na siya sa baba at tinignan sina Mika.

"Oh? You're here.", Usal niya.

Ngumiti si Mika at bumati.

"Magandang gabi Raya.", Nakangiti niyang pagbati na tinanguan lamang ng dalaga.

"Anong meron at may sumisigaw?", Kunot-nuong tanong niya.

Agad naman kumapit sa braso niya si Aya habang may malaking ngisi sa bibig nito. Tinaasan naman siya ni Raya ng kilay na halatang nagtataka.

"Ate, magiging Tita-Ninang na ako!", Nakangiting sambit ng dalaga.

"Tita-Ninang?", Naguguluhang usal ni Raya na tinanguan lamang ni Aya.

Tumango naman si Aya na may ngiti pa rin sa labi. Inekis na Raya ang kaniyang braso at tinaasan siya ng kilay.

"At kaninong anak ka naman magiging Tita-Ninang?", Taas kilay niyang tanong.

Umayos ng tayo si Aya at nilingon si Mika, napatingin naman si Raya kay Mika at kinunotan ng nuo. Napangiti nalamang si Mika.

"Buntis na si Mika, Ate.", Sabi ni Aya habang kinikilig at pumapalakpak pa ng tahimik.

Ngumiti naman si Raya sa kanila at tumingin kay Mika.

"Really? Well, congrats to you.", Aniya.

"Salamat.", Sagot ni Mika.

Bumaling ang tingin niya kay Kyle at napataas ang kaniyang kilay.

"Oh? You're here too?", Sabi niya.

"Eerrr....", Tanging lumabas sa bibig ni Kyle nang mapagtanto niyang ngayon lang siya napansin ni Raya.

Napatawa naman ang dalawa dahil sa naging reaksiyon ng binata. Hinawakan ni Mika ang braso ni Kyle at tumingin kay Raya.

"Siya nga pala si Kyle, yung kasama ko nong birthday party ni Mr. Chua.", Sambit ni Mika.

"Oh i remember.", Sagot naman ni Raya at tumango.

Tumingin naman si Mika sa binata habang nakangiti.

"Babe, she is Raya Aisha Diaz. The twin sister of Aya, she is the fiancee of Mr. Chua.", Baling ni Mika sa binata.

Nakaawang ang labi ni Kyle habang dahan-dahan na tinuro ang magkambal. Nagtaka naman ang magkambal at nagkatinginan sa isa't isa bago tumingin ulit sa binata na halata pa rin sa mukha ang gulat at hindi makapaniwala.

"M-mag-k-kambal k-kayo?", Nagkandautal-utal niyang usal habang nakaturo sa dalawa.

Napa-poker face naman si Raya sa sinabi ng binata.

"Halata naman, diba?", Walang ganang sagot ni Raya.

Napakamot na lamang sa ulo si Kyle.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now