CHAPTER 27

140 11 1
                                    

CHAPTER 27.

Third Person's POV.

Alas 6 na nakarating sina Aya sa di kalayuan na hotel kung saan gaganapin ang Family Dinner. Pinaghandaan iyon ng mga magulang nila. Pagkarating pa lang nila sa Hotel yun ay siya din ang pagdating ng Montefalco at Chua. Hindi kasama ng mag-asawang Chua ang kanilang anak dahil may pinuntahan pa ito. Parehas silang dalawa ni Raya na magiging late sa family dinner na ito.

"Zaya!", Nakangiting salubong ni Mrs. Montefalco sa ina nina Aya.

"Kathrine!", Masayang sambit din ni Mrs. Diaz.

Agad nilang niyakap ang isa't isa. Nakangiti namang lumapit sa kanila si Mrs. Chua.

"I'm glad that we finally met in personal Mrs. Chua.", Nakangiting sabi ni Mrs. Diaz.

Nakipag beso siya dito at ganon din si Kathrine. Maya-maya ay inaya na sila ng kani-kanilang mga asawa na pumasok na. Sumunod naman sina Drey at Aya sa kanila habang nagtataka naman ang mukha ni Drey.

"Andrew is your fiancee, right?", Naguguluhang tanong ni Drey.

Hindi siya sinagot ng dalaga at nanatili itong tahimik. Hindi man lang niya binigyan ng pansin ang binata na kanina pa naguguluhan. Napapailing na lamang ang binata at inisiip ang mangyayari mamaya.

Nang makarating sila sa venue ay agad silang magsiupuan sa kani-kanilang upuan.

"By the way, I am Karen Chua and this is my husband Andrey Chua.", Pag-papakilala ni Mrs. Chua sa kanila.

Nakangiti namang nakipag-kamayan sila sa isa't isa. Abala sila sa pag-uusap habang hinihintay ang pagkain, tahimik naman ang dalawa na magkaharap lamang. Walang kibo pero pasulyapsulyap naman si Drey sa kaniya. Napatingin naman sa kanila ang ina ni Drey na may pagtataka.

"Ehem. Aya? Drey?", Pagkuha niya sa atensiyon ng dalawa.

Napatingin naman sa kaniya ang dalawa.

"May problema ba kayong dalawa? Ang tahimik niyo ata. Hindi naman kayo nagaway diba?", Nagtatakang sunod-sunod na tanong ni Mrs. Montefalco.

"Ahm....H-hindi naman po tita.", Pilit ngiting sambit ng dalaga at hindi makatingin ng maayos sa binata.

"Hindi naman po Mom. Ano po kasi may iniisip lang po kami.", Sangayon naman ng binata.

Ngunit parang hindi naniniwala si Mrs. Montefalco sa sagot nila. Magsasalita na sana siya nang biglang dumating si Andrew.

"Good evening. Sorry I'm late.", Pagkuha niya sa atensiyon nila.

Hinalikan niya sa pisnge ang kaniyang mga magulang bago umupo sa tabi ng kaniyang Ina.

"Hello there!", Nakangiting bati niya kay Aya kaya agad napangiti ang dalaga at kumaway  pabalik.

Napataas naman ng kilay si Drey at naikuyom ang kaniyang kamao.

"Andrew, where's your fiancee? Akala ko ba sabay kayo?", Nagtatakang tanong ni Mrs. Chua.

Napakunot nuo naman si Drey at tinignan si Aya ngunit parang wala lang itong narinig.

"May fiancee ka na pala, iho?", Nakangiting sambit ni Mrs. Montefalco dahilan upang mapatawa si Andrew.

"Hahaha....Ahm...Yes. Nong birthday party ko po pina-announced.", Magalang niyang sagot.

Alam na rin ng mag-asawang Chua na may kambal si Raya at itong kasama nila ay alam nilang ang kakambal ito ng fiancee ng kanilang anak. Kanina habang hindi pa sila nakakapasok sa Venue ay nakita nila ang nunal sa sintido ng dalaga kahit medyo natatakpan ito ng buhok. Sinabi kasi sa kanila ni Andrew kung anong kaibahan ng dalawa.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora