CHAPTER 31

156 11 1
                                    

CHAPTER 31.

Kira's POV.

"AAAAAAARRRGGGGHHH!!!!!!"

Pinagbabato ko ang kahit anong gamit na aking mahawakan, wala akong pakealam kung masira ang mga ito. Alam kong si Aya ang may gawa nito! Alam kong ginagawa niya lang ito para siraan ako at magkahiwalay kami ni Drey! Hindi ako papayag na maagaw niya sa akin si Drey! Ako na ang pinili niya kaya dapat ako rin ang huli!

"Ano ba Kira! Tumigil ka na!"

Sinamaan ko ng tingin si Shayne na nakatayo sa sulok at iniiwasan ang mga bubog.

"Tumahimik ka!! Alam kong si Aya ang sumisira sa akin! Sinisira niya ako upang maagaw niya si Drey mula sa akin!! At hindi ako papayag na makuha niya sa akin si Drey!!"

"ANO BA?!! BAKA NAKAKALIMUTA MONG IKAW MISMO ANG UMAGAW KAY DREY MULA SA KANIYA?!!! HUWAG MONG IDADAMAY SI AYA DITO DAHIL WALA SIYANG KINALAMAN!!! LINAW NA LINAW NA MISMO ANG LITRATO NA HINDI EDITED YUN!!! IKAW MISMO ANG NASA LITRATO NA YAN AT HUWAG MONG IPAGBINTANG KAY AYA ANG MGA ISYU MO!!!!"

*PAK*

"How dare you to shout at me like that?!!"

Tinutukan ko siya ng isang bubog habang nakasalampak ito sa sahig hawak-hawak ang kaniyang pisnging sinampal ko. She deserve it! Talagang pinagtatanggol talaga niya ang bruhang yun?!! How ridiculous?!!

"Pati ba naman ikaw?! Pinagtatanggol mo ang babaeng yun?!! Ha?!! You b*tch!! Pare-parehas lang kayo lahat!!! Mga walang silbi sa buhay!!!"

She didn't answer so i throw the peace of glass and grab her hair.

"A-ah!", Daing nito at wala akong pakealam!

Kinaladkad ko ito patungong pintuan ng aking condo.

"Ano ba Kira? Masakit!"

Hindi ko ito pinakinggan. Hanggang sa mabuksan ko na ang pintuan ay tinulak ko siya palabas at napasubsob naman ito sa sahig. Tsk! T*nga!

"From now on, don't ever dare to show your dirty face to me, b*tch!"

*BLAG*

Bumalik ako sa sala at kinuha ang bote ng alak na natira at binuksan ito. Mabilis ko itong nilagok at umupo sa Queen couch. Wala akong pakealam sa mga nagkalat na bubog na nasa sahig. I need to relax my self, hindi dapat ako nagpapaapekto. Kailangan kong harapin ang h*yup na yun! I will kill that b*tch!

"Isa ka lang naman mahinang nilalang kaya mapapadali kitang mapatumba, Aya-B*tch!"


Raya's POV.

I take a sip of my coffee habang pinapanood ang balita tungkol sa isyu ni Kira. Andito ako sa aking opisina ngayon at nagpapa-chill-chill muna kahit wala akong masyadong trabaho. I need to relax. Umalis din ang aking kambal as usual kasama niya si Hans for her safety. Nagmamakaawa pa nga siya kanina sa akin kung pwede ba siya lumabas, madalas na siyang umaalis sa mansion at alam ko naman na nilibang niya lang yung sarili niya dahil wala naman siyang masyadong magawa doon sa mansiyon.

I look at my wrist watch and it's 12 o'clock on the afternoon. Natagalan yata ako dito sa aking opisina. Dumating ako dito kanina bandang alas 7 ng umaga. At wala pang masyadong tao kaya tahimik ang buong sulok ng building nato at tanging ang mga yapak ko lamang ang nag-iingay.

Pumihit ako paharap sa wall glass habang nakaupo sa aking swivel chair, tirik na tirik ang araw pero nagkakape ako. Haayyyss....Vodka sana ang iinumin ko kaso naahhh.... I'm taking care of my health. Hindi ako masyadong umiinom ng alcoholic drinks. As what i said before, i only drink vodka, etc. if my throat is dry.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now