CHAPTER 41

128 4 0
                                    

CHAPTER 41.

Third Person's POV.

Bumalik na sina Andrew sa hospital at sa oras nato ay kasama na nila si Lexus. Silang tatlo, sa kanilang paglalakad ay napapalingon sa kanila ang mga tao lalong-lalo na ang mga kababaehan. Nagbubulong-bulungan habang may ngiti sa kanilang labi at nakatingin sa dalawa na sina Francis at Lexus. Si Andrew ay nasa unahan nilang dalawa. Tanging ang dalawa lamang ang tinitingnan ng ibang kababaehan dahil alam nilang may fiancee itong si Andrew at bawal na nila itong gustuhin bilang respeto sa fiancee nito.

'oh my ghaad. Ang gwapo nong naka-salamin.'

'oo nga. Ngayon ko lang siya nakita.'

'gwapo din yung isa. Yung katabi nong nakasalamin.'

'ang kyut niya. Sa pagkakarinig ko Francis daw yung pangalan niya.'

Parehas na napangisi sa isipan ang dalawa dahil sa kanilang mga narinig. Mahangin nga naman. Pero napawi iyon nang may narinig silang bulong.

'pero mas gwapo pa rin yung fiancee ni Ms. Raya.'

Napawi ang munting ngiti ng dalawa at napasinghap ng hangin. Akala nila ay wala nang hihigit pa sa kanilang kagwapuhan, meron pa pala. At yun ay si Andrew Chua, ang fiancee ni Raya Aisha Diaz. Kung ipagtabi naman sila ni Drey, ay magkapantay din naman ang percentage ng kanilang kagwapuhan. Kung kasama din nila si Drey paniguradong pagkakaguluhan din iyon.

Nang makarating sila sa tapat ng pintuan ng silid ni Raya ay akmang hahawakan na sana ni Andrew ang doorknob nang may bumukas na ng pintuan. Napatayo sila ng maayos ng bumungad sa kanila ang female bodyguard ni Raya. Agad naman itong yumuko at tumabi upang bigyan sila ng daan para makapasok. Si Lexus naman ay nakaawang ang kaniyang labi habang nakatitig sa female bodyguard na pormal na nakatayo sa gilid.

Napansin ni Francis na hindi kumilos si Lexus kaya napatawa na lamang siya nang mapansin nitong nakatitig ito sa female bodyguard. Inakbyan na niya ito at inakay papasok sa loob ng silid. Nang tuluyan na silang makapasok ay muling nilingon ni Lexus ang female bodyguard na nakatalikod na naglakad palabas ng silid.

"Ang ganda ng bodyguard ni Ms. Raya ano?", Bulong ni Francis.

Napalingon siya dito at napataas ng kilay.

"Female bodyguard?", Taas kilay niyang tanong.

Tumango naman si Francis. Napatingin si Lexus sa kawalan and tilt his head then a smirk form on his lips.

"Yeah. She's beautiful.", Sambit niya bago lumapit sa gawi ni Andrew na kausap ang mga magulang ni Raya.

"Kami na po ang bahala Tita.", Nakangiting sabi ni Andrew.

"Thank goodness! We trust you so much, iho. Thank you!", Nakahingang maluwag na sabi ng Ginang.

Napalingon siya sa binatang kakalapit lang kay Andrew. Ngumiti siya dito at niyuko ng kunti ang kaniyang ulo.

"Hi po!", Magalang na bati ni Lexus sa Ginang at Ginoo.

"And you are?", Ginoong Diaz.

"Lexus Knightdale. I am his friend and also tumulong din po ako sa case nato.", Nakangiti niyang pagpapakilala.

"It's nice to meet you, iho! I am Zaya Aira Diaz and this is my husband David Diaz. We are the parents of Andrew's beloved fiancee.", Nakangiting pagpapakilala ng Ginang.

"Beloved fiancee daw.", Bulong ni Raya sa kaniyang pwesto.

Nilingon nila ang gawi ng dalaga na nakabusangot habang nakaharap sa cellphone nito at may tinipa-tipa. Napatawa si Andrew sa itsura nito at naglakad palapit sa kaniyang gawi.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now