CHAPTER 43

121 5 0
                                    

CHAPTER 43.

Third Person's POV.

Ilang araw na ang lumipas at maayos na si Raya at nakauwi na rin siya. Lagi din siyang pinupuntahan ni Andrew sa mansiyon niya upang painumin ng gamot. Si Aya din naman ay lagi niyang kasama upang alagaan siya. Ang mga magulang naman nito ay nanatili sa kanilang mansiyon upang maalagaan din siya.

Tahimik lamang si Raya na nagbabasa ng libro at nandito siya sa garden nang may lumapit sa kaniya na isa sa bodyguard niya na si Peter.

"Bakit Peter?", Tanong niya.

"Nandito na po si Mr. Smith.", Sabi niya.

Nang masabi iyon ni Peter ay agad siyang umalis at pumalit naman si Hans na nakablack suit at may earpiece sa kanang tenga. Nakapagbihis agad. Napatitig siya sa binata dahil medyo umiba din ang itsura nito. Nagpagupit siya ng buhok at mas lalong naging maskulado ang katawan kahit isang linggo lamang siya umuwi.

"Good morning ma'am!", Nakangiti niyang pagbati dito.

Napangiti ang dalaga at tumango. Sinenyasan niya itong lumapit sa kaniya na agad naman nitong sinunod.

"Kumusta ang pag-uwi mo doon?", Mahinhin na tanong ng dalaga.

"Maayos naman po kaming nakapunta doon Ma'am. Kinakamusta din po kayo nina Mama at Papa.", Sagot niya.

Napangiti ang dalaga nang maalala ang mga magulang nito.

"Kumusta na ang mga magulang mo? Gusto ko pa sana sila pabalikin sa kompanya ko kung papayag sila. Ilang taon na rin kasi silang hindi nakapagtrabaho ulit sa kompanya ko mula nong nagpunta tayo sa paris. Na-miss ko din ang prisensiya nila, napakalakas ng kompanya ko dati kompara ngayon. Maayos at magaling magtrabaho ang mga magulang mo, napakalinis din nilang magtrabaho. Close na close ko yung mga magulang mo sa panahon na kasama ko pa sila sa iisang kompanya. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang sila nag-resign simula naging bodyguard na kita.", May halong lungkot na kwento niya.

Napangiti na lamang siya ng mapait habang inaalala ang mga karanasan dati. Kahit napakastrikta niyang CEO ay alam niya rin kung paano makikipagkaibigan. Tinuring niya na parang pamilya ang kaniyang mga empleyado kahit nga ang mga magulang din ni Hans ay parang mga magulang na rin niya.

"Tinanong ko rin sila tungkol diyan ma'am at sabi na hindi pa po sila sigurado ma'am. Pagiisipan pa po nila yun.", Magalang na sagot ni Hans.

Napatango ang dalaga sa kaniyang sagot. Nakatingin sa malayo ang dalaga nang dumapo naman ang tingin ni Hans sa nuo nito na may bandaid. Ngayon niya lang ito napansin. Kumunot ang kaniyang nuo at nagtataka kung saan niya ito nakuha.

"Ma'am?", Tawag niya dito.

Napalingon naman si Raya sa kaniya na may pagtatanong sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan naman niyang tinuro ang nuo nito.

"B-bakit may bandaid kayo?", Tanong niya.

Napahawak naman si Raya doon at napatawa ng kunti sabay iling.

"Ahh.... Wala to.", Sagot niya.

Hindi naging sapat ang narinig ni Hans. Pakiramdam niya ay may nangyaring hindi magandan sa kaniyang Boss nong wala siya. Hindi naman niya pwedeng kulitin ito kaya naisipan na lamang niyang itanong ito kay Peter.

"Oh siya, papasok na ako sa loob.", Paalam ni Raya dito na ikinatango naman ni Hans at yumuko ng kunti.

Napatingin sa kaniya ang dalaga at ngumiti muna bago naglakad paalis. Naiwan naman siyang mag-isa sa garden at iniisip kung saan galing ang sugat ni Raya na nasa nuo nito. Naglakad siya papasok ng mansiyon at hinanap ng kaniyang mga mata si Peter. Nakita niya itong pinupunasan ang sapatos na nasa labas ng mansiyon. Agad niya itong nilapitan na agad naman napansin ang kaniyang prisensiya.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now