CHAPTER 3

209 6 2
                                    

CHAPTER 3.

Mika's POV.

I am Mika Smith. And I am Aya's bestfriend. Sa totoo lang hindi ko nagustuhan ang ginawa nila kay Aya. Naaawa ako sa kaniya habang nagagawa nila iyon. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko. Gusto kong magsalita sa oras na iyon at sumbatan sila pero nawawalan ako ng lakas upang gawin iyon. Nagalit din ako kay Kyle my ex boyfriend. Wala man lang akong nakikitang kahit anong emosyon niya at parang sinuportahan pa niya ang kaniyang g*gong kaibigan.

Nong nalaman ko ang kaniyang ugali ay nakipaghiwalay agad ako sa kaniya. Ayokong magtagal pa sa kaniya lalo na at nalaman ko na ganon siya. Akala ko ipaglalaban niya ang relasyon nina Drey at Aya pero mali ako, wala man lang siyang ginawa at pinapanood lamang sila.

At mas galit ako kay Kira dahil sa kaniyang ginawa. Akala ko totoo siyang kaibigan. Itinuring siya ni Aya na parang kapatid tapos ito pala ang kaniyang gagawin?! Mabuti na rin na nakipaghiwalay na ako kay Kyle upang hindi ko na rin sila makasama.

Hahanapin ko si Aya at sasabihin sa kaniya na wala akong kinalaman sa kanilang ginawa. Umaasa akong paniniwalaan niya ako. Sa aming tatlo ako ang pinaka-close ni Aya. Komportable kami sa isa't isa. Sana paniniwalaan niya ako.

*Phone ring*

Napairap ako nang makita ang numero ni Kyle. Hindi ko na siya kinausap pa matapos ko siyang hiwalayan. Galit ako sa kaniya. Naniniwala ako na kapag ganon ang kaibigan niya ganon din siya. Ayokong umabot pa sa punto na ako ang masasaktan sa huli.

Maraming beses na siyang tumatawag pero pinatayan ko lamang.

Pinatay ko ulit ito at nilagay sa study table ko. Maya-maya ay tumunog na naman ito.

*Phone ring*

Inis ko itong tinignan at hinablot. Sinagot ko nalang ito upang tumigil na kakatawag.

"Ano pa bang kailangan mo?!!", Sigaw ko sa kabilang linya.

(*Hik* B-babe. P-please...C-comeback. *hik*)

Base sa boses nito ay lasing na ito. Dinig na dinig ko rin ang malakas na tugtog sa kabilang linya. Nasa bar siya. Umiinom.

"Sorry Kyle. Pero tapos na tayo. Wala nang mangyayari na magkabalikan tayo. Galit ako sayo. Hinayaan mo lang ang kaibigan mo na saktan ang kaibigan ko!!! Pare-parehas kayong mga g*go!!! Sana hindi nalang kita nakilala!!! SANA HINDI NALANG!!!", Galit kong sigaw at pinatay ang tawag.

Napatakip ako sa aking mukha at humagulhol. Sa totoo lang, mahal ko pa siya. Pero galit ako sa kaniya.

Nang mahimasmasan ako ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking upuan at nagtungo sa banyo. Pupunta muna akong mall. Mas mabuti pang ilibang ko ang aking sarili para kahit papano ay makakalimutan ko ang sakit na aking nararamdaman.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at sinuot na ang damit ko. Suot ko ngayon ang high waist pants at turtle neck with long sleeve na kulay black. Pinarisan ko ito ng nike na sapatos.

Lumabas na ako sa aking condo at naglakad. Nang makalabas na ako ng condominium building ay tinungo ko na ang parking lot. Sumakay na ako sa aking kotse at sinimulan na itong paandarin.

Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko pa rin si Aya. Hindi ko na siya nakita pagkatapos ng pangyayaring iyon. Sana kahit sandali man lang ay makakausap ko siya. Di bale na kung magalit siya sa akin atleast makakausap ko siya.

Nang maipark ko na ang kotse ko ay lumabas na ako. Pumasok na ako ng mall. Habang naglilibot ako ay may nahagip akong pamilyar na babae. Tumingin ako sa kinaroroonan ng pamilyar na babae kanina pero hindi ko na siya nakita pa. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo baka guni-guni ko lang iyon.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now