CHAPTER 28

148 12 1
                                    

CHAPTER 28.

Third Person's POV.

Nang makarating silang dalawa sa loob ng restroom ay doon na nagsibagsakan ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. Agad naman siyang niyakap ng kaniyang kapatid at hinagod ang likod nito upang ibsan ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang mahina ang kaniyang kapatid pagdating sa ganitong bagay. Hindi ito marunong lumaban at dinadaan nalang nito sa isang ngiti o iyak ang sobrang sakit na kaniyang mararamdaman. Kaya ganito siya sobrang protective dahil mahina ito pagdating sa pagibig. Ayaw niyang nasasaktang ang kaniyang kapatid dahil lang sa isang lalake.

Ngayong umiiyak ang kaniyang kapatid dahil sa lalakeng si Drey ay mas lalo siyang nakakaramdam ng galit dito. Ang pinakaayaw pa naman niya ay yung pinapaiyak ang kaniyang kapatid. That's why she really hates entering relationship, dahil marami na rin siya nae-encounter na mga kababaehan na niloloko ng kalalakehan. Alam niyang kunti lamang yung mga lalakeng may matitino sa pag-iisip pagdating sa relationship na yan, or should we say yung mga loyal na lalake. Mahirap hanapin yung mga ganiyang klaseng lalake kaya kahit meron pang loyal na mga lalake ay ayaw niya pa rin pumasok sa relasyon.

Sobra-sobra kang masasaktan lalo-lalo na kapag first and second love mo. Pero nasa first love talaga yung sobrang sakit lalo na kapag niloloko ka lang ng first love mo na yan.

"Sshhhh....tahan na.", Mahinahon na pagpapatahan niya sa kaniyang kapatid habang hinahagod ang likod nito.

Maya-maya ay nahimasmasan na rin ang dalaga at pinunasan ang kaniyang pisnge na nababasa sa luha niyang walang tigil sa pag-agos kanina. Lumapit siya sa sink at naghilamos ng mukha. Habang si Raya naman ay kumuha ng wipes at cream upang takpan ang namumugtong eyebags ng dalaga.

"Huwag ka ng umiyak nang dahil lang sa isang lalake. Hayaan mo na kung doon siya. Huwag mo nang habulin pa yung taong niloko ka lang.", Sambit niya habang inaayusan ang mukha ng kaniyang kapatid.

Nang matapos ay tinignan niya ito ng seryoso.

"Promise me one thing.", Aniya sa seryosong tono.

Napaayos naman ng tayo si Aya at suminghot muna.

"Ano yun ate?"

"This will be your last cry. Ayokong nakikita kitang umiiyak ulit. I want you to be strong, huwag kang magpapadala ulit sa emosyon na mararamdaman mo. Okay?", Mahinahong usal nito.

Binigyan siya ng dalaga ng isang ngiti saka tumango.

"Pangako ate."


**************


Nang makabalik sila sa venue ay umupo na sila at umaktong parang walang umiyak.

"Bakit ang tagal niyo naman ata?", Nagtatakang tanong ng kanilang Ina.

Napatawa naman si Mrs. Montefalco sa tanong ng Ina nila.

"Mare huwag ka nang magtaka pa. It's a girly thingy you know.", Nakangiting sambit ng Ginang na ikinatawa nila at sumangayon.

Napatawa na lamang sina Raya at nagpatuloy sa kanilang dinner.

"Oh anyways.", Sabat ni Ginoong Montefalco.

"This night, we will also going to talk about the engagement of my son and his girlfriend."

Napatingin si Aya sa kanila na gulat.

"Engagement po?", Gulat niyang usal.

"Yes iha. Matagal na namin itong pinagisipan ng Tito mo. Besides, maayos naman ang samahan niyong dalawa at ilang taon na kayong dalawa nagsasama at oras na para magpakasal na kayo.", Nakangiting sagot ni Ginang.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now