CHAPTER 38

145 8 0
                                    

CHAPTER 38.

Third Person's POV.

Pagkatapos ng pag-gamot ay nilipat na nila ito sa isang private room, at nang maiayos na ang mga gamit sa private room ay lumabas din ang Doctor at hinarap sila upang kausapin.

"Who's her family?", Tanong ng Doctor.

Agad naman lumapit si Andrew.

"I'm her fiancee. How is she?", Sagot at tanong niya.

"She is safe now. We need to wait na magising siya maybe after 1 night. Mabuti nalang at hindi nabagok ang kaniyang ulo, at kapag nangyari yun mawawalan siya ng alaala.", Salaysay ng Doctor.

Napahinga naman sina Andrew ng maayos.

"Thank you Doc.", Nakahingang sambit niya.

"You're welcome. Kapag na-discharge na siya, don't forget to give her the medicine upang mapabilis magamot ang kaniyang sugat. That's all. Excuse me."

Umalis na ang Doctor. Agad naman pumasok si Aya sa loob at nilapitan ang kaniyang kambal na nakahilata sa higaan. Naluluha pa ito habang nakayakap dito. Si Andrew naman ay dahan-dahan na lumapit sa fiancee niya at hinawakan ang kamay nito habang may luha sa mga mata.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang nag-aalalang mukha ng mga magulang ng mag-kambal.

"Raya anak!", Umiiyak na bungad agad ni Ginang Diaz.

Agad niyang niyakap ang natutulog niyang anak at ang isa na nakaupo sa tabi.

"A-anong nangyari?", Nag-aalalang tanong naman ni Ginoong Diaz.

"Na-aksidente po siya.", Mahinang sagot ni Andrew habang nakatingin sa dalaga.

Napapikit naman si Ginoong Diaz at huminga ng malalim saka lumapit sa kaniyang mag-ina. Nagpaalam muna si Andrew na lalabas siya dahil may tatawagan siya na agad naman ikinatango ng mag-asawa.

Seryoso siyang lumabas ng kwarto at pinapasok sa loob ang dalawang bodyguards ni Raya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at hinanap ang numero ni Lexus. Lexus can also investigate even if he is a CEO. Matalino nga naman kagaya ni Andrew.

(Hello dude? Ba't di kana bumalik? Hinihintay ka namin kanina.)

"I need your help.", Duretso niyang sabi.

(Woah. Woah. Woah. Hahaha!!! Kadadating ko lang galing states dude! Haha okay what is it?)

"My fiancee got accident."

(What?! Seriously?)

"Yes. And I think that wasn't accident. I know someone did it."

(Nice dude! That was easy to investigate. Just count me in. Kahit hindi mo na sabihin sa akin ang buong nangyari i can do it.)

Napangiti naman siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

"Thank you dude! I will pay you."

(No. No. No. No need to pay, dude. Hanapan mo nalang ako ng mapapangasawa. Hahaha!)

Napatawa na lamang si Andrew sa kaniyang sinabi. Hanggang ngayon ay wala pang asawa si Lexus, palagi kasi siyang naka-focus sa kaniyang trabaho bilang CEO.

"Yeah. Yeah.", Usal ni Andrew at napalingon sa pintuan nang biglang lumabas ang babaeng bodyguard ni Raya at yumuko muna kay Andrew bago naglakad paalis.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now