Simula

72 6 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Indifferent

Sa edad na walong taon, nambabae na ang Papa ko. Sa trabaho, madalas na huhuli siya ni Mama. Pinatawad siya mga ilang buwan na lumipas, sinusuyo siya ni Papa kaya nagiging okay din naman. Kahit pa na itago kami ni Mama para lang hindi namin sila makita ni Papa na nag-aaway alam pa rin naman namin.



Sa pangalawang pagkakataon na ulit pa iyon kaya naman para lang na mapanatili kami bilang pamilya, pinatawad na naman sya ni Mama at nag-decide na umuwi muna kami sa probinsya. Baka kasi sakaling doon maiisip ni Papa na kailangan niya ng magbago lalo pat unti unti na kaming lumalaki.



Umuwi kami sa probinsya, nga lang wala ng trabaho si Papa. Ilang buwan lang at nag-decide si Mama na mag-abroad. Nangyari nga iyon. Nakakatawa kasi sa murang edad ko pa lang umalis na si Mama para sa amin. Hindi niya sinasabi na matatagalan siyang makabalik pero habang lumalaki ako mas nauunawaan ko na ang trabaho niya kaya ilang taon muna ang lilipas bago siya makauwing muli sa piling namin.



Si Papa at ang lola at lolo ko ang nag-aalaga sa aming magkakapatid at habang nagtatrabaho si Mama, sinusuportahan niya naman si Papa na nagtatrabaho bilang driver. Pero sa lumipas na mga taon habang wala si Mama nambabae na naman si Papa.



Nalaman iyon ng mga kapatid ni Mama, nagalit kaya kinausap si Papa. Sabi ni Papa, ayaw daw niyang umalis si Mama namimiss niya. Kung sana lang sana ay naging mabuting asawa siya ay nagkaroon pa sya ng magandang trabaho at hindi na kailangang umalis pa ni Mama. Nauunawaan ng mga kapatid iyon ni Mama pero hindi pa rin nila maiwasan na magalit kay Papa.



Sa mga nakita at namulatan ko noong bata pa ako, iba ang paniniwala ko sa mundo, pagmamahal at pag-ibig. Yong love, delikado, hindi concreto, mabigat sa puso, betrayal ang love at pagsisisihan. Ang mundo naman, madaya at lalo ng mapanakit. Ganun ako kung magbigay ng depinisyon sa mga salitang iyon. Kasi kung hindi delikado ang love edi sana komplete kami, edi sana naging faithful pa si Papa kay Mama. Napaka daya rin ng mundo kasi sa murang edad ko hinayaan na ako na makita ang mga bagay na ito. I just become indifferent.



Kaya hanggang ngayon ganun parin ang paniniwala ko. Kahit pa na sinabi iyon ni Papa na nangungulila na sya sa pagmamahal ni Mama kaya mas lalong nambabae siya para sa akin hindi iyon sapat dahil habang lumalaki kami at nagdadalaga ginagawa pa rin ni Papa. Nasa poder kami ng mga magulang ni Mama, kay lola at lolo. Grade three palang ako nung hindi pa rin nakakauwi si Mama.




Yong lola at lolo ko ang naging Mama at Papa namin ng ate at ng isa ako pang kapatid. Si Papa naroon lang sumusuporta. Mabait naman talaga ang Papa ko, mahal niya kami pero yong mga pagsisisi niya parating na sa huli at hindi ko nagugustuhan lalo pat inuulit niya lang din naman.



Sa mga taong iyon, napaka swerte namin sa lola ko. Kahit na gaano na siya katanda, siya pa rin ang nagluluto para sa amin, sya ang naglalaba ng mga damit namin, siya lahat, sa tanda niyang iyon. Hindi ako nagsisisi na sa kabila ng lahat ng iyon may isang tao paring mahal na mahal ako at ang mga kapatid ko. Yong lola ko ayaw niyang kumain kung wala kami. Kapag mag-isa siya namimiss niya kami, nalulungkot at natatakot siya kapag nagkakasakit kami.



Sa lola ko, parang siyang anghel sa amin ng mga kapatid ko. Kahit kailan hindi kami nakaranas ng pamamalo na malalang malala talaga. Yong lola ko na napakabait, siya ang naging ina namin. Para lang din siyang si Mama.



Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon