Kabanata 6

25 2 0
                                    

Kabanata 6

Mrs. Dyson

Hinatid ako ni Evor sa boarding house, papalapit na din ang sembreak kaya naman sa mga nakaraang araw na lumipas matapos kaming bumisita sa bahay nila Evor ay madalang na lang kaming nagkakausap. Dahil nga exam week nag-iba na naman ang body clock ko. Hindi ako nakakatulog sa gabi dahil binabasa ko ang politics and governance na mga libro ko at ang iba pang mga readings. Isang exam nalang ang tatapusin, ang isang major.


Pumasok ako sa trabaho, maraming costumers pero na kayanan naman namin nila Ryan at Ate Kish.



Evor was there, as usual with his laptop. Nag-kausap naman kami kahapon, hindi lang kahapon pero mukhang araw araw na yata, nagrereply naman ako kasi baka may kailangan siya.



Dumating ang shift namin bandang ten ng gabi kaya naman paalis na kami pero Evor called me.



"Hatid ko na kayo, Tin." aniya. Hawak ko ang cotton bag ko habang siya naman halatang nag-aantay sa amin.



"Ah... si Tin, nalang po ihatid niyo, Sir, medyo malayo yong sa kanya atsaka po may taxi na po kami ni Ryan. Una na po kami, Sir." Si Ate Kish.



Umalis sila agad at sumakay sa taxi, hindi man lang ako tinanong kung payag ako. Agad na kinuha ni Evor ang cotton bag na nasa balikat ko. Hindi niya rin ako tinanong kung sasama ba ako sa kanya o payag ba ako na sumama sa kanya?




Pumasok na kami sa sasakyan niya. I was smirking. Sobrang bait naman ng friend ko? Kailangan talagang ihatid?


"Evor, okay lang naman na hindi mo na ako ihatid o sunduin. Magtataka sila Ryan at Ate Kish sa ginagawa mo."



"Bakit? Kayo naman tatlo ang sinusundo ko ah. Ayaw lang nilang sumama. Wala naman akong magawa."



"Kasi nahihiya sila sayo. I can still find a taxi rin. Pwede rin na sumama ako kay Ryan. Sinusundo siya madalas ng boyfriend niya kaya pwede naman akong sumama."




"Hindi bat time nila yon para sa isat-isa?" aniya.


"Nakikisakay lang ako hindi ko naman sila pinapakialaman o iniistorbo no." umayos ako ng upo habang matulin parin siyang nagmamaneho.



"But your presence might disturb them. Tignan mo si Kish at Ryan sumasama ba sila sa atin?" aniya kaya ng sinabi niya iyon napa-isip tuloy ako.



"Nahihiya lang siguro?" tanong ko.




"Hmm... let's assume then."




Hindi na ako sumagot pero nag-usap kaming muli ng nagtanong siya.



"Tin, malapit ng matapos ang sem mo, hindi ka ba talaga uuwi sa inyo? Magtatrabaho ka lang at ano?"



"Oo tapos siguro magsta-stay sa boarding house. Gagala kay Ryan at Ate Kish." sagot ko.




"Kung ganoon, dalawin natin ulit si Lola. Alam mo naman iyon." Siya at sa sinabi niyang iyon agad akong tumango. Syempre na mimiss ko rin naman si Lola.




Nang dumating ako sa street ng boarding house ko ay agad kaming bumaba ni Evor. May scene of the crime. May caution na nakalagay at lahat ng tao ay naroon.



"Manang anong nangyari?" tanong ko habang maingay parin ang paligid dahil sa mga sabi sabi.



"Naku, hija, may itinapong patay sa may malapit na kanal. Bukas na bukas ay aalis kami dito hindi na ito ligtas dito. Nakakatakot naman." Anito at umalis.



Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon