Kabanata 7

17 3 0
                                    

Kabanata 7

Home

"I'm just kidding. Ba't hindi ka makatitig sa akin? Do you like me?" anito. Nakatayo at nakapamulsa. I laughed a bit.


"Ikaw? Magugustuhan ko? Hindi no. Feeling mo." ako habang napa inom ng tubig.



"You've change your complexion, you're not even looking at me. Masyadong halata, Tin." anito at umupo na pero nakatitig pa rin sa akin.


"Ikaw no, ang feeling mo. Ba't naman ako magkakagusto say-"



"Ba't naman hindi? Tin?" ang bilis niya kaya naman wala akong maisagot at nag-iisip pa.




"Ah... h-hindi hin-" I was stuttering and he smiled unfairly. At agad na nagtatanong ulit.



"Have you been in a relationship?" siya.


Nagdadalawang isip pa akong sumagot pero wala rin naman akong nagawa kundi ang sagutin ko iyon.



"No... marami akong problema, sa pamilya, sa pag-aaral. Wala akong oras diyan." ako, tumango naman siya at nag-iisip din siguro ng sasabihin.


"Broken family kami. Si Papa, he become a cheater. Tatlong beses niya atang nagawa iyon kay Mama kaya hindi rin niya nakayanan, nakipaghiwalay." umayos ako ng upo at ramdam kung nakikinig ng maigi si Evor.


"Palipat-lipat kami ng bahay at tsaka pati narin sa iba. Hanggang sa naging OFW ang Mama ko. Binuhay niya kaming mag-isa. Yong Papa ko naman nagbibigay naman ng financial support sa amin pero kukulangin parin. Lumaki ako na hindi maayos ang pamilya namin, lumaki ako sa mapanghusgang mga tao, lumaki akong maagang natutunan lahat ng bagay bagay, Evor. Kaya malabo ding magustuhan kita dahil napaka layo natin sa isa't-isa. I've been in a traumatic experience. Maraming tao ang bumitaw sa akin... akala ko pa naman... sila yung mga taong tatakbuhan ko kapag takot na takot ako pero hindi e... minsan meron talagang mga taong iiwan tayo... at kahit pilitin mong magalit sa kanila bibitaw ka parin dahil sa totoo lang, they don't care how they hurt you actually, wala naman talaga silang paki kaya kailangan mo silang patawarin kahit hindi na para sa kanila... para nalang sa sarili mo." hindi ko alam pero parang guminhawa ang puso ko ng nasabi ko iyon.


"My Mom has been working abroad for almost 13 years now. Ang bilis ng panahon. Mag-isa siya sa lahat ng bagay. At alam mo hindi man sabihin ng Mama ko ang lahat... alam kong umiibig din siya. Kailangan niya yon para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa pero kasi kahit ganun paman naiisip kong parang hindi ba kami sapat para sa kanya? Ngayong magtatapos na iyong, Ate ko? Pero ayaw kong maging selfish dahil sa loob ng 13 years alam kong deserve niya yon... siguro hindi lang ako handa. Yong Ate ko naman she's a Nursing student. Lola at Mama ko ang nagpapa-aral sa kanya ayaw sana namin dahil baka may utang na loob na naman." Umayos ako ng upo.


"Pero alam mo, gustong gusto ko talagang maging Doctor kaso lang kailangan talagang mag sakripisyo ng isa sa amin. Tapos alam mo iyon... yong feeling na parang napag-iiwanan ka? Sa laki kasi ng pamilya namin... at sa rami ng mga apo... hindi ako isa sa mga paborito e... kaya naman hindi rin ako matutulungan." I sighed.


Evor was listening to me carefully... huli na para maisip na pinapaamin niya ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Bakit ganito... tuluyan ko na bang binuksan ang buhay ko kay Evor? Ba't hindi man lang ako nagdalawang isip na sabihin sa kanya ang lahat ng ito? Evor... ba't pa ba kasi kita nakilala?


"Wag na nga lang... saka na. Pinapaamin mo na naman ako e. Ba't ba interesadong intersado kang makilala ako? Baka ikaw ang may gusto sa akin ah?" ako sa kanya pero malungkot ang mga mata niya.


Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon