Kabanata 8

22 3 0
                                    

Kabanata 8

Sorpresa

Nakauwi ako sa condo ni Evor pagkatapos niya akong hinalikan. Nung tinanong ko siya... ngumingiti lang siya na para bang wala lang ang ginawa niya. My heart never stop beating after that kiss and here I am still thinking of that kiss.


Nakahiga sa kama habang iniisip parin ang nangyari. Hindi ako kakatok sa kabilang kwarto dahil ayaw ko. Ayaw kong isipin niyang I'm an easy girl. Hindi man ako nag react kanina sa ginawa niya ay hindi ibig sabihin na madali niya lang ako makukuha pero kasi habang tumatagal mas nakilala ko ang totoong, Evor. Hindi naman siya ganoon. He's gentleman.


Kinaumagahan sabay din kaming nag-almusal ni Evor, tahimik ang umaga hanggang sa inihatid niya pa ako sa school ko. Nakakahiya kaya malayo palang sa campus ng school ay sinabi ko na sa kanyang bababa na ako pero hindi niya ginawa.


"Dito na... Salamat." ako.



"I'll wait for you in the condo or Susunduin na lang kita? Okay I'll pick-"



Alam ko ang iniisip ni Evor hindi niya na naman ako pababayaan. Gusto niyang hatid sundo niya ako pero ayaw ko ng ganun lalo pa't magtataka ang buong mga kaklase ko.


"Hindi na. Uuwi ako. I'll get going. Mag-ingat ka." ako. He smiled, too late for me to realized that I hugged him. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya kaya naman ay umiwas ako at binubuksan ang pinto ng kotse niya pero hinawakan niya ang balikat ko at napa harap ako. He kissed my cheeks before I went outside.



Sa ginawa niya nauubusan na ata ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari saakin kapag ipagpapatuloy ito ni Evor pero isa lang ang alam ko paniguradong mahuhulog ako. Saka ko na nga lang iisipin.


Pumasok ako sa major subject ko. I was reading the readings noong hindi pa dumating si Sir. I was trying to understand it by my own pero hindi ko talaga maintindihan. Ang naiintindihan ko lang ay ang power at authority. Global Governance is a bit difficult to understand pero kaulanan dahil pabalik balik kong binabasa nauunawaan ko na.



One of my strict professors was Sir Jade. Napakahusay magturo talaga. Isa siya sa mga hinahangaan ko na professor sa school aside from... like, tinatapos nya pa lang ang law school alam mo talagang magaling siya. Pero sa tuwing nagtatawag siya ng estudyante mas kinakabahan ako dahil baka kasi hindi ko alam ang maisasagot ko sa harap niya kung ako man. Intimidating sya at palaban ang ang awra sa buhay.


Nagsimula siyang nag tanong sa amin kaya naman lahat ata ay dumuko pero may napiling malas sa araw na iyon. Tinanong sya kung ano ang kahulugan ng international relation pero hindi niya masyadong na sagot ng maayos dala na rin siguro ng kaba kaya naman medyo hindi okay si Sir at nagalit. He told us na walang bobo sa Political Science department dahil ipapahiya lang namin sila lalo na kung papasok sa law.


Patuloy sa pag-e-explain si Sir pero lahat ata kami gusto ng umuwi at pumasok sa ibang subject dahil takot na takot kay Sir Jade pero hindi naman iyon pwede dahil semestral break na, sadyang hininga lang saamin itong araw na ito. Hanggang sa tapos na ang oras niya at lumabas kaming lahat pero bago iyon iniwanan kami ng readings na ang kapal kapal. 243 pages reviewer daw yon for the next sem.  Kaya ba iyon?


Naiisip ko tuloy kung kakayanin ko ba talaga? Lalo pa't kung ganito naman ay mawawalan ako ng gana lalo pa't second choice ko lang ang pagpasok sa law at sa pre-course pa nga lang hindi ko na nagustuhan at mukhang namamatay na ako.


Kahit nga kakatapos palang ng exam namin sa kanya at dahil sa pasado naman ang lahat ay nagbigay parin siya ng summary sa lahat ng pinag-aralan namin the whole semester at kami naman itong tinanong ulit sa mga napag-aralan namin ay agad naman naming nakalimutan. As usual, estudyante nga talaga.


Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon