Kabanata 3

24 3 0
                                    

Kabanata 3

Spark

The past days was so cruel to me. Tumawag si Ate sa akin kahapon, may problema sa bahay. Yong kapatid ko kasi nilagnat tapos sobrang busy naman ni Ate kasi nagduduty na siya. I was worried kasi ano na lang ang mangyayari sa kanila sa bahay? Ang layo ko pa naman sa kanila.



Sa school naman dahil sa mataas naman ang standard ng University na pinasukan ko araw araw na akong naiiyak at walang tulog. Hindi ko alam pero mahirap talagang mag-aral sa course mo na hindi mo first choice. I wanted to become a lawyer but that's the second one...the thing that is real is... I wanted to become a Doctor. Kahit maging nurse lang muna.


Sobrang dami ng readings na binabasa ko araw-araw. Minsan iniiyakan ko nalang ang pagod. Ang hirap pa lang maging Polscie. student. Ang daming babasahin at tsaka lagi talaga kayong mag-o-oral. What thing I was sure of, is that I do cried for the unleft readings, unanswered orals and even failing. Napakadaling sabihing parte iyon sa magiging journey mo pero sa totoo lang napakahirap harapin ang lahat lalo pa't hindi naman ako ipinanganak na mayaman.


I was preparing for my report. Pumasok agad ang Professor namin sa isang major subject. Prerequisite kaya naman kailangan kong galingan. Ilang araw din akong naghanda ayaw kong mapahiya sa harap ng matatalino kong mga kaklase at isa pa ayaw ko rin na bumagsak dahilan para hindi ako maka enroll the next semester sa Political Science Department.


Isang oras din akong tinanong ng Professor ko, ang maganda dahil sa pinag aralan ko ng maayos ang assign topic ko, na sagot ko ang lahat. Tatlo kasi kaming magrereport at ako iyong una kaso lang wala e, hindi na nag-report ang mga kasamahan ko. Balak na nilang magshift the next semester at mukhang ganoon rin ako. Ewan ko, pag-iisipan ko, feeling ko kasi takot siguro akong mafail? O takot akong aminin na yong mga kaibigan ko dati ay nasa medical field na? Samantalang ako... ewan ko.



Pumasok ako sa trabaho habang araw araw ko namang iniisip ang enrollment for second semester. I really work hard everyday. Nag-aaral ako, ginagawa ko lahat ng requirements o projects na pinapagawa.




Nasabi ko talaga na hindi ko na enjoy ang pagiging freshman ko sa college. Mahirap nga talaga lalo pa't iba't ibang mga professor ang magtuturo sayo, mga kaklase mong hindi naman lahat totoo. Gagamitin ka, kaya you need to surround yourself sa mga taong mapagkakatiwalaan mo.



"Tin? May problema ba?" Si Ate Kish. "Ang lalim ng iniisip mo ah." aniya habang kinukuha na ang kape para mai-serve.



"Ah... may iniisip lang, Ate." ngumiti ako sa kanya dahilan para matapos ang usapan habang tuluyan na nga siyang naka-alis sa counter habang ako naman nag e-entertain ng ibang nag-o-order.




"Tin, the usual coffee for Sir Evor. Ikaw daw ang maghatid." Rinig ko si Ryan.




Bigla akong kinabahan ng narinig ko ang sinabi ni Ryan. Si Evor? Lagot na, hindi ko pa naman sinagot mga texts at tawag niya sa akin samantalang may utang pa ako sa kanya. Magsisinungalin na lamang ba ako na sira ang phone ko? O kaya naman nawala kasi naiwan ko tapos ngayon lang naibalik?



"Tin? Ang nandyan ka pa ba? Kape ni Sir Evor. Pakibilisan daw."



"Papunta na Ryan." agad na akong umalis doon kaso lang diko matanaw si Evor. Kay agad akong tumawag kay Ryan.



"Anong number ba?" agap ko.




"Nasa table 8 for couple table, line 10 siya, Tin." aniya.



Agad akong naglakad hanggang sa na tanaw ko na nga siya. Nakakainis naman oh. Sinasadya niya ba? He was showing his mad face, nakataas ang mga kilay at nakasimangot. Bahala na nga si Batman.





Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon