Kabanata 1

53 5 0
                                    

Kabanata 1

Coffee

I was a freshmen that year kaya ng palapit na ang second semester, sa kadahilanang wala akong schedule every friday and saturday nag decide ako na tuwing friday ako papasok sa coffee shop. College life is not easy. Minsan nga naiisip ko kung kakayanin ko pa ba sa dami ng readings na tatapusin ko. Pero iniisip ko na kahit pa kahirap ang course ko, susubukan ko parin.

Every friday ako papasok, one ng hapon hanggang ten ng gabi. Nahihirapan lang ako dito kapag maraming customers pero kapag madalang lang at mga businessman ang narito hindi naman masyado. May mga students rin na nagkakape dito sa tuwing may thesis sila.

"Celestine, table six for single table, line two. Kay Sir Evor, please paki hatid na ito." Si Ate Kish.

Agad akong tumango at hinatid na ito. Table six, single table, line two. Agad kong nakita ang lalaking naka eyeglass. Ito ata yung crush ni Ryan ah.

"Good Afternoon, Sir. Here is your coffee." agad niya akong tinitigan dahilan ng pagkailang ko. Hindi ko rin alam kung bakit sinabayan pa ng kaba ko.

"Thank you." aniya at pasimple akong ngumiti.

Pumasok muna ako sa staff room. Wala si Ryan kaya si Ate Kish lang ang kasama ko. Hindi din tumagal ay lumabas na kami. I still see Evor? Is that the name they are calling. Ilang oras na sya dito ah. Ilang kape na rin ba ang naubos nito?

"Celestine, bibili lang ako ng ulam natin kasi magsi-six na ng gabi. Tayong dalawa lang ang narito, mamaya pa iyon si Ryan. Iwan na muna kita." Si Kish kaya naman tumango ako.

Naiwan akong mag isa sa counter at napakatahimik ng House of Sweet Coffee. May apat na mga estudyanteng nagkakape at nag-uusap sa thesis nila. Evor is here. Ito ang mayamang businessman na kakagraduate palang tapos siya na ang nagmamanage ng kompanya nila. Which is malapit lang din dito sa coffee shop.

Ang seryoso niya sa laptop habang umiinom ng kape. Pinagmamasdan ko lang siya sa malayuan habang nagpupunas ng kung ano sa lamesa ng counter. Kaso lang tumingin siya sa banda ko kaya agad akong umiwas. Nang ibinalik ko ang tingin sa kanya, he was smirking for no reason I guess... or did he caught me watching him?

Binaliwala ko iyon at buti na lang dumating na si Ryan. Nakapag bihis na siya at tsaka nakangiti pang naglalakad patungo sa akin.

"Ang saya mo naman ata." sambit ko.

"Sino bang hindi nandyan si Sir Eris Trevor in short, Sir Evor. Kanina pa ba siya?" aniya. Wala ng ibang pag-uusapan kundi si Sir Evor na naman.



"Oo. Mga one ata nandito na sya. Bakit ba?"



"Crush ko nga, Tin. Ito naman oh. Sinabihan na kita diba?" aniya at kinuha ang saktong lakas ng music sa may bandang corner ng shop.


"Ano bang meron sa kanya? Mukhang mayabang." nagpatuloy ako sa pagpupunas ng mesa.




"Hindi kaya. Mabait 'yan. Kung majojowa ko lang yan, ginawa ko na." Si Ryan.



"Jowa? Mukhang suplado yan no at tsaka masama ugali."



"Alam mo, Tin, nakakainis ka. Mabait nga 'yan at tsaka hindi naman yan matandang lalaki para hindi na marunong ngumiti at seryoso talaga sa trabaho."


"Bakit ilang taon na ba 'yan?"


"Twenty-three pa lang yan si Sir Evor pero pwede ng mag-asawa." Sabay kilig nitong si Ryan kaya kumunot na lang noo ko.


Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon