Kabanata 2

36 4 0
                                    

Kabanata 2

Totoong siya

Lagising ako ala sais ng umaga. May dala naman akong damit para sa susuotin ko patungong school. Nakaligo na rin ako. Kaya naman ng kumatok ako sa kabilang kwarto para magpaalam kay Evor ay wala akong naririnig na salita kaya nag-iwan ako ng note sa pinto ng room na pinatulugan niya sa akin. Bumaba na ako sa bahay niya dala ang gamit ko pero naroon pala siya sa baba nagluluto.



Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago siya nagsalita. Dala na nang kamay ko ang mga gamit para sana tuluyan ng makaalis pero hindi.


"Aalis ka na? Not yet, then. Kumain muna tayo. Ihahatid kita sa school mo. Umupo ka na." He was just wearing his polo and I decided to come near him. Kaharap ko siya. Kumain kami ng tahimik pero hindi ko masikmura ang katahimikan.


"Salamat po sa tulong niyo, Sir Evor. Muntik na iyon kagabi kaya maraming salamat po sa lahat." binaba ko na ang kutsara at tumitig sa kanya pero habang sumusubo siya, tumawa siya ng mapang-asar.



"Do I have to kiss you para hindi mo na ako tawaging Sir Evor?" Kaharap ko lang siya pero umahon siya ng konti para maabot ako. At sa isang iglap lang naabot ako ng labi niya.




It was a peck of kiss. Hindi ako makagalaw. Para saan ba iyon? Baliw na ba siya? Bakit niya ito ginawa!



"Ano 'yon?" agap ko habang hinawakan ko ang labi ko. Sa sobrang kaba ng puso ko napainom pa ako ng tubig.




"I told you not to call me, Sir. Ang tigas ng ulo mo. Tara na ihahatid na kita." tumayo na siya kaya sinundan ko. Pumasok na kami sa sasakyan niya pero tiningnan niya ako sa likod ng kotse niya.



"Gagawin mo ba akong driver mo, Celestine?"




"H-huh? Ba-bakit po?"



"I'm warning you. Pag nag po kapa sa akin ulit hahalikan kita ng malalim. Seat beside me. Bumaba ka diyan, ginagawa mo akong driver." anito kaya agad akong bumaba na at tumabi malapit sa kanya.




Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahilan ng pag sulyap niya sa akin bawat segundo. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya. He was just smiling all the time.


"Baka mangawit leeg mo sa ginagawa mo diyan ah. Pwede ka namang tumingin sa akin kung nagwagwapuhan ka." aniya kaya naman umalma ako.



"Po? Nagwagwapuhan?" tumingin ako sa kanya pero nagulat ako ng binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse niya at huminto sa may gater ng kalsada.



Sa walang iglap ng pagtatanong ko, hinalikan niya ako ng malalim. Umalma ako at tinulak ang dibdib niya pero hindi siya mapigil at mas inilapit ang katawan niya sa akin. I was trying to push him more with force hanggang sa nagawa ko. I slapped him.



"Anong ginagawa mo ha! Nakaka-dalawa ka na sa akin. Kung iniisip mo na madali lang akong makuha pwes hindi ako kagaya ng ibang babae diyan! Bababa na ako!" I was trying to open the door of his car pero ni-lock niya. Tumingiin muli ako sa kanya at tinitigan siya ng mas malalim pa at masama.



"I told you to stop that po and Sir. Hindi ako katandaan para tawagin mo akong sa ganoong paraan. Twenty ka na at twenty three ako. Inuulit ko to palagi. Learn your lesson." aniya at pinaharurot na ang takbo ng kotse niya.




Hindi na ako umangal pa at mas pinili ng manahimik kaysa magtalo pa kaming dalawa. Iniisip ko parin ang nangyari kani kanina lang. Nakalimutan kong mamayang alas dyes pa pala ang unang klase ko kaya naman kahit na galit at nahihiya ako sa nangyari kanina ay nagsalita na lamang ako.


Echoes of a Heartbeat (HEARTWRENCHING SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon