three.

24 6 3
                                    

three.

--

Dear Diary,

Iniwan ako ng nanay ko noong seven years old pa lang ako dahil sa hirap at dahil na rin sa pananakit ng tatay ko sa kaniya. Pisikal man o emosyonal.

Isinama niya lahat ng kapatid ko sa paglayas. Kasama rin sana ako pero nahuli kami ni papa at kinaladkad ako. Actually, dalawa kaming kinaladkad ni papa. 'Yong isa ko pang kapatid na babae na hindi rin nagtagal ay sumakabilang-buhay dahil sa impeksyon sa dugo.

At doon nagsimula ang pagbebenta ni ama sa akin. Una, sa mga kakilala niya lang, hanggang sa dumating na ibinigay niya na ako sa night bar na pinapasukan ko ngayon at tuluyan nang iwan doon.

Pinakain ako, binihisan ako, at binigyan ng pansamantalang tirahan hanggang sa dumating ang edad kong labing-siyam na taong gulang. Hanggang dumating ang araw na ngayon.

Ika-pito ng Marso, maligayang ika-labing siyam na kaarawan sa iyo, Badflower "Aoe" Ramirez. Kung bibigyan man ako ng kahilingan, iyon ay sana matapos na ang lahat ng ito dahil pagod na pagod na ako.

Tired,
Badflower

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon