four.

17 4 4
                                    

four.

--

Dear Diary,

Alam kong palaging hindi maganda ang araw ko. Simula labing-tatlo ako ay hindi na daraan ang araw na walang gagalaw sa akin, pero iba ngayon.

'Yong last costumer ko, muntik na akong patayin. He's a monster. Nagulat na lang ako no'ng bigla niya akong hatawin ng balisong. Nagpapasalamat lang ako na lasing siya kaya mabilis ko siyang natakbuhan. I ran out of the drive inn naked. Tanging kumot lang ang bumabalot sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil buhay pa ako, o dapat ba akong magalit dahil buhay pa nga ako.

Sinundo ako ng may-ari ng bar sa prisinto. Akala ko'y kakampihan niya ako, pero hindi. Pagkabalik namin sa dorm kung saan kami natutulog, kulang na lang ay iuntog niya na ako sa pader. Kung hindi lamang siya pinigilan ng mga kasamahan ko, baka basag na nga bungo ko.

Pagod na pagod na ako.

Tired,
Badflower

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon