twenty-six.

10 2 3
                                    

twenty-six.

--

Dear Diary,

When I woke up, naabutan ko si Clocks— kung 'yon ang pangalan niya; na nagpupunas ng pendelum clock na may ilang basag. May nakahandang pagkain sa katabing lamesa na tila alam na niya kung anong oras akong magigising.

Natahimik ako. Akala ko, panaginip lang no'ng una. Akala ko wala lang 'yong pendelum clock na nasa panaginip ko, pero nang makita ko 'yon at ang limang numero roon na may basag, kinutuban akong totoo 'yong panaginip o baka sub-conscious ko 'yon.

At nakumpirma ko na totoo 'yon nang pagalitan niya ako kanina. Bakit daw hindi ako sumusunod sa sinasabi niya? Bakit ko naman siya susundin? Kilala ko ba siya?

Pero tanda ko 'yong sinabi niya sa akin, "Ayaw mo na bang magising? Akala ko ba ayaw mo pang mamatay?", doon ako natauhan. Tama, ang sinabi niya ay kapag naubos ang oras ko sa pendelum na 'yon, hindi na ako magigising.

At alam mo ba ang dapat kong gawin para hindi ako mamatay? 'Yon ay patayin ang gumawa ng pendelum clock na 'yon.

Ang tanong... sino?

Killer,
Badflower

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon