thirty-one.

7 2 4
                                    

thirty-one.

--

Tahimik na pumasok si Aoe sa bahay ng kaniyang ama. Hindi katulad noon na tagpi-tagpi lang ang bahay nila, ngayon, gawa na ito sa kongkreto at may sarili pang terrace na may gate. Bagaman nasa squater's area pa rin, nananaig pa rin ito kumpara sa bahay na nakapalibot dito. Ganoon siguro talaga kapag nagtutulak ng droga.

Kilala ni Aoe ang ama nito. Kahit ini-lo-lock nito ang harapang gate, isa sa mga sliding window na walang riles ay nakabukas, para in case na magkaroon ng raid, madali siyang makatatakbo kahit pa naka-lock ang gate, at doon nga si Aoe dumaan.

Nang makapasok ay naabutan nito ang kwarto na de-aircon. May kalamigan na iyon, ngunit wala pang tao. Siguro'y binuksan lang para pagmatutulog na ay malamig.

"Tingnan mo nga naman, masyado na siyang nagpapakasasa sa buhay habang nagdudusa ako sa bar," bulong ni Aoe saka pinadaan ang kutsilyo na hawak niya sa mga figurine na nasa lamesa.

Sumandal si Aoe sa pader, sa mismong tabi ng pinto. Buo na ang loob niya. Matagal na siyang may galit sa tatay niya, madali niya lang na magagawa ito. Kailangan niyang lang isipin lahat.

I want to live.

I want to live.

I want to live.

I want to watch them suffer because of me, the same way I did because of them.

When Aoe heard how the doorknob clicked, she became alert. Napahigpit ang hawak nito sa kutsilyo. Isang saksak lang sa leeg, tapos na ang kalbaryo niya. Hindi siya sigurado kung sinong gumawa, pero kailangan niyang maniwala sa pakiramdam niya.

The moment the door opened and saw a figure entered the room, she immediately swung her knife and stab the person on the neck.

Pare-parehong natigilan si Aoe, ang kaniyang ama, at ang babae na nasaksak nito. Parang literal na huminto ang oras kay Aoe nang makita 'yon. She stabbed the wrong person.

"Anong ginawa mo?!" sigaw ng kaniyang ama na bumalik sa wisyo nang marinig ang malakas na pagbagsak ng babae na kasama nito sa sahig na nanginginig pa.

Napaatras si Aoe na bayolenteng nanginginig ang mga kamay nang makita ang nahihintakutang galing sa mga mata ng kaniyang ama.

"I told you not to do something without me. Now look what you have done, Badflower."

Napalingon si Aoe sa boses ng isang lalaki. Doon ay nakita niya si Clocks na nakasandal sa window pane. Nakakrus ang mga braso nito.

Rinig niya ang sigaw ng kaniyang ama na biglang tumakbo palabas dala ang babaeng nasaksak niya, ngunit tila nabibingi siya't napako lamang ang tingin kay Clocks.

Then, Clocks extended both of his arms like he's calling Aoe. Aoe didn't hesitate. She immediately run to Clocks and as soon as his hand embraced her, she also hid herself in his chest hugging him from the waist as he let themself fall from of the window into a clock portal on the ground.

Ito lamang ang nasa isip ni Aoe nang mga oras na 'yon; Clocks embrace felt so warm in the never ending falling she's feeling.

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon