thirteen.

11 2 18
                                    

thirteen.

--

Yesterday's death was the worst. Abala akong nagsusulat pagkatapos ay bigla na lang akong hindi makahinga na parang na-su-suffocate ako. Parang 'yong may bigla akong sakit na hika pagkatapos ay bigla na lang may bumara sa dibdib ko't humarang sa daluyan ng hangin sa baga ko kaya nag-fail ang sistema ng katawan ko.

Ganoong klase ng kamatayan na yata ang kinakatakutan ko simula nang subukan kong ibitay ang sarili ko. Hindi na ako natutuwa. Na-realize kong wala pala dapat akong ikatuwa porke nabubuhay ako pagkatapos kong mamatay. Para akong nabuhay lang para mamatay ulit.

Isang linggo na yata simula nang mangyari 'yon. Ang magulo kong buhay ay lalo lang gumulo nang mangyari 'yon. Hindi ko maintindihan na. Para na akong nagsusulat ng panibagong chapter sa libro ng buhay ko na kahit ako mismo ay hindi mawari kung ano nang ganap.

Napabuntong hininga na lamang ako. Inaantok na ako. Pakiramdam ko, simula nang mamatay ako kagabu ay hindi pa ako natutulog. Medyo umiikot pa ang paningin ko na parang nararamdaman ko ang pag-ikot ng mundo.

"Aoe, samahan mo muna si lola. Kukuha lang akong meryenda niya," 'ika ni ate Sho. May kasama siyang matanda na naka-itim mula ulo hanggang paa. May belo pa siyang itim at rosaryong itim sa kamay. Pumunta yata rito para makiramay.

"Maupo ka po muna," sambit ko sa kaniya sa pinaupo sa upuan sa harap ng bilog na lamesa. May baraha pa sa taas no'n.

Medyo may mga tao na kahit mag-a-ala-una pa lang ng tanghali. Marami kasing kakilala sila mamita kaya maraming nakikiburol. 'Yong iba naman ay dumayo lang para sa libreng pagkain at meryenda. Hindi naman lingid sa kaalaman naming lahat na maraming ginugutom dito, lalo na't malapit kami sa squatter's area. Pantawid-gutom na rin ang pagpunta sa burol.

"Aoe."

Natigil ako sa ginagawa kong pagpupulot ng balat ng candy na nakakalat sa bato-batong paligid nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko— o stage name.

"Badflower Ramirez, hindi ba?"

Napalingon ako kay lola na ngayon ay may hawak nang tarot card sa kamay. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha 'yon. Baka dala niya, ewan ko. Mas iniisip ko kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko gayong "Aoe" lang naman ang tawag sa akin ng mga tao. Walang tumatawag sa aking "Badflower", wala kahit isa.

Naituro ko ang sarili ko. "Ako po?" tanong ko kahit pa alam ko ang sagot.

Tumango si lola bago tinapik ang upuan sa tabi niya na tila inaaya akong umupo roon. Nginitian niya pa ako. Medyo na-creepy-han ako roon pero umupo pa rin ako sa upuan na itinuturo niya. Wala nang mas hihigit pa sa ka-creepy-han ng pagkamatay at muling pagkabuhay ko araw-araw.

Pagkaupo ko ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Ipinasada niya ang daliri niya sa guhit ng palad ko na tila trine-trace iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong kilabutan o hindi, pero may something sa awra ni lola na parang mali. Parang ang sarkastiko ng kasiyahan niya. Para siyang nababalutan ng itim na enerhiya.

"Lola?" takang pukaw ko sa atensyon niya.

Tiningnan niya ako. Nanlalaki ang mga mata niya saka malawak ang ngiti. Lalo lang akong kinilabutan dahil doon. She's just extremely creepy. Parabng nagtatayuan pati buhok ko sa batok.

"Sinumpa ka."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tanghaling tapat pero 'yon kaagad ang lumabas sa bibig niya. Hindi nga man lang siya nagpasalamat sa akin na in-assist ko siya, hindi nga man lang siya sumilip pa sa kabaong ng asawa ni mamita, pagkatapos ay bubungaran niya ako ng "sinumpa ka" na akala mo'y nakikipaglokohan ako. Masyado na akong maraming iniisip para sa scam na hula ng mga matatanda.

"Alam ko naman pong nagkandaleche-leche na ang buhay ko. Hindi mo na po kailangang ipamukha sa akin," sagot ko saka marahang binawi ang kamay ko. Tatayo na sana ako para umalis nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," aniya. Humarap ako sa kaniya. Hindi ako interesado pero ayaw ko namang maging sobrang bastos. "Namamatay ka araw-araw, hindi ba?"

Tuluyan akong natigilan dahil doon. Paano niya nalaman? Para pa siyang sure na sure. Ako nga na sa akin mismo nangyayari, hindi sigurado. Ang alam ko lang ay buhay ulit ako matapos kong mamatay, halos isang linggo na ang lumipas.

Kabado akong natawa. "Ano pong ibig mong sabihin? Ano ka ba, lola? Ginu-good time mo ba ako?" pabiro ko na lamang na sagot.

"Ang linya sa palad mo..." Muli ay trinace niya ang linya sa palad ko. "Alam mo ba ang katagang 'be careful on what you wish for', hija?"

"Ha? Ano ba, lola? Kung tinatakot mo 'ko, effective po. Takot na ako," sagot ko.

Ngunit hindi ito pinansin ni lola. Nagpatuloy lang siya sa sinasabi niya. "Namamatay ka araw-araw sa iba't ibang paraan. Palagi kang matatagpuan tuwing alas-sais ng umaga, alas-sais ng gabi, o alas-dose ng madaling araw. Pagkatapos no'n ay magigising ka mula sa pagkakatulog matapos kang matagpuan. Tama ba?"

Hindi ako nakasagot agad. Binaha ng katanungan ang isipan ko. Katanungang alam kong masasagot lamang kung may sasabihin ako.

"Ano naman ngayon, lola? Ang importante lang naman ay buhay ako," pabalang kong sagot saka pwersahang binawi ang kamay ko.

Tiningnan niya ako na may ngisi sa labi. Napakurap ako. May mali ba sa paningin ko? O ang matandang babae kanina na kausap ko ay naging magandang babae na kung tatansyahin ay nasa mid-twenties pa lamang.

"That's not the point," aniya. Maging ang boses niya ay hindi na pangmatanda.

Humugot ito sa hawak niyang baraha. Akala ko'y tarot card pero iba ang itsura no'n sa tarot card. Tanging imahe lamang ng katawan na may hawak na tray kung saan nakalagay ang ulo ang naroon sa larawan na nagdulot ng takot sa sistema ko.

"Palaging may kapalit ang bawat biyaya, Aoe," dagdag pa niya habang hawak ang baraha. Itinuro ng isa niyang kamay ang kabaong. "At sa kalagayan mo, sa bawat araw na muli kang mabubuhay ay may namamatay. Hindi mo ba nabalitaan na namatay ang isa pang babae sa katabi ninyong bar no'ng nakaraan? Hindi mo ba nabalitaan na dalawa sa mga kapatid mong nasa puder ng mama mo ay naaksidente at namatay kahapon? Nagkataon lang ba, Aoe, o talagang sinumpa ka?"

Tuluyang nablangko ang isipan ko. Nilamon ng takot ang sistema ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Sa oras na ito, sigurado na akong hindi na siya nagbibiro at naniniwala na ako.

"A-Anong—"

Napatayo ang babae na kanina'y matandang lola lang. Umupo ito sa taas ng lamesa habang binabalasa ang hawak niyang cards. "Kung tatanungin mo ako kung anong gamot sa sumpa mo ay hindi ko rin alam. Bakit hindi mo puntahan ang nilalang tumupad ng kahilingan mo? If you can..." she said smirking.

Sa pagkurap ng mata ko ay wala na siya sa harap ko. Kasabay 'yon ng pagtumba ko't pagsalampak ko sa lupa at bato. Damang-dama ko ang panginginig ng katawan ko't pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko.

"Aoe!" sigaw ni ate Sho na kaagad akong pinuntahan at inalalayan sa pagtayo. "Anong nangyayari sa 'yo? Kumalma ka, Aoe!"

But I can't calm down. Paano kung totoo ang sinabi ni lola? Nabuhay lang ba talaga ako para mamatay ng paulit-ulit? O nabuhay lang ako para pumatay ng paulit-ulit?

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon