seventeen.

6 2 5
                                    

seventeen.

--

"Aoe."

Napatingin ako sa boses ng lalaking tumawag sa akin. Nakaupo siya sa isang kahoy na upuan habang may hawak na hand clock sa isang kamay.

"Do you really wanted to die?" tanong niya.

Gumalaw ako. Sinubukan kong magsalita ngunit wala akong marinig na tinig na lumalabas sa lalamunan ko. Wala kahit isang sagot na "hindi", wala kahit pag-angal, walang kahit ano.

Gumalaw ako. Sinubukan kong abutin siya't hawakan gamit ang mga kamay ko. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko para malapitan ito, ngunit nang tumama ang dulo ng daliri ko sa kaniyang braso, tumagos lang ito na tila walang taong nakaupo roon.

That is scary.

Sinubukan kong ulitin ang ginawa ko. Sinubukan kong sumigaw ngunit wala talaga akong marinig. Sinubukan kong hawakan siya ngunit paulit-ulit lang na tumagos ang kamay ko sa katawan niya.

Hindi ko alam kung papaanong nangyari 'yon. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yon. Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa sahig dala ng pagod at senyales ng pagsuko. Wala na siyang sinabing kahit ano mula no'n.

Hanggang sa napaangat ang paningin ko. Napatingin ako sa paligid ko. Doon ko lang napagtanto na puro pala orasan ang nakapaligid sa kwartong ito.

Wall clocks, digital clocks, alarm clocks, watches.

"That pendelum clock..." bigla niyang sambit muli kaya napatingin ako roon sa malaking orasan na tinawag niyang "pendelum clock" o mas kilala bilang "grandfather clock".

May basag ito na nakatutok sa bawat numero. Ang kaanyuan pa lang nito ay nagdudulot na ng kilabot sa sistema ko.

"Sa oras na mabuo niyan ang unang bente-kwatrong oras, hindi ka na muling gigising pa, Aoe."

Gulong-gulo ako sa sinabi niya ngunit hindi ako makasagot. Ni hindi siya makatingin sa akin.

"Nasa ikaapat na ikot ka na. Bilang na lamang ang iyong tyansa."

Pero papaano ko mapipigilan ito? Paano ko mapipigilang mamatay ako? Papaano?

"At ang tanging paraan lang para matigil ang pag-ikot niyan ay hanapin ang gumawa ng orasan na 'yan," 'ika mo na tila narinig mo ang tanong sa isipan ko.

Pagkatapos ay dahan-dahan kang humarap sa akin. Nakakatakot ang ngiti sa iyong mga labi at ang tingin sa iyong mga mata na tila binabalaan ako.

"Hanapin mo, Aoe."

Nahihintakutan ako. Ayaw ko pang mamatay. Ngunit sa parehong pagkakataon ng pagbabanta mo sa buhay ko ay ang paghanga ko sa kung papaanong ang kaliwang mata mo ay tila may sariling orasan sa loob nito.

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon