fifteen.

7 2 4
                                    

fifteen.

--

Kung noon ay ang ruta ng buhay ko ay ang matulog sa umaga, magising sa gabi, maglagay ng kolorete sa mukha habang nakatago sa loob ng bar dahil sa pinagbabawal na batas ng pagbebenta ng babaeng teenager, lalabas kung may maglalabas, babalik ng umaga matapos ang mahabang gabi ng pagkapuyat at pagdalaw sa impyerno, matutulog at mauulit, ngayon ay iba na.

Araw-araw akong magigising mula sa kamatayan para mamatay ulit kinabukasan. Naging ganoon na yata ang timpla ng buhay ko simula nang tangkain kong magpatiwakal.

Mukhang ito ang parusa sa akin ng Diyos sa ginawa kong kalapastanganan. Mukhang ito na ang paggising sa akin sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan. 'Wake up call' kung tawagin ng iba. Siguro'y ito ang senyales na tuluyan ko nang tinalikuran ang tinatawag nilang 'salvation'.

Hindi importante 'yon. Hangga't nabubuhay ako, ang kaligtasan ko ay pera. Hangga't nabebenta ko ang sarili ko, wala akong problema. Hangga't may pakinabang pa ako, wala akong kailangang alalahanin. Sapagkat sa mata ko, si mamita ang diyos ng buhay ko. Sa kaniya nakasalalay ang awa sa mundo ko.

"Aoe, may costumer ka," tawag sa akin ni ate Rhea. Isa sa mga kasamahan ko bukod kay ate Sho, pero si ate Rhea ay naka-assign sa cashier. Mas madalas siyang mag-cashier kaysa ilabas.

"Saan banda, ate?" tanong ko habang nag-re-retouch ng lipstick kahit pa parang hindi ko naman na rin naaaninag ang sarili ko sa compact mirror na hawak ko dahil disco lights lang ang nagbibigay paligid sa amin.

"Sa taas. Number five," sagot niya.

Inayos ko ang strap ng dress na suot ko bago kumuha ng dalawang bote ng beer. Tila naging patakaran na rito na magdala ng alak kapag lalapit sa costumer. Kung hindi naman nila iinumin ay pwede namang sa amin. Sila naman ang magbabayad.

Tulad ng sinabi niya ay dumiretso ako sa ikalawang palapag patungo sa ikalimang lamesa. Sa dulo na 'yon, sa pinakamadilim na parte.

At hulaan mo kung sinong nakita ko roon?

Walang iba kundi ang tatay ko.

--

asereneko.

CLOCKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon