Chapter 05: Reality

168 4 0
                                    

I guess happy moments doesn't lasted too long. I sighed as I looked at the pile of papers I needed to sign today. Isang linggo na din matapos akong ihatid ni Light sa mansion matapos ang madalian naming pag-enjoy sa beach resort na napag-alaman kong sa pamilya niya ito ngunit ang beach house ay tanging sa kan'ya lang.

I think I do have a problem.

How could I possibly miss a man whom I just met recently and enjoyed his company? I sighed for the ninth time.

"May problema ba?"

Napa-angat ang tingin ko at nakita si Elysia na nakatingin sa'kin ng may pag-alala. Mabilis akong umiling at ngumiti ng malapad. "No, I'm fine." Mabilis kong sabi ngunit tinaasan niya ako ng kilay kaya't wala akong nagawa kundi sabihin sa kan'ya ang nasa isip ko.

"I miss Light."

Bulgar na sabi ko at nakita ko naman kung paano siya natigilan kapagkuwan ay tumikhim. Nakita ko din ang patagong ngiti niya. "Oh. So, you miss Mr. Photographer huh?" Again, I nodded with her question.

Lumakad siya sa gawi ko at umupo sa visitor's chair na nasa harap ng table ko. "Why don't you call him?" Agad akong umiling sa tanong niya."Bakit naman?" Tanong niya ulit.

Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya. "Maraming dahilan kung ba't hindi ko siya pwedeng tawagan. Unang-una, I don't have his phone number, Second, marami pa akong dapat trabauhin. Pangatlo, what if he's busy? Pang-apat at pinaka-importante, ano nalang ang sasabihin niya kapag tumawag ako? Also, papaano kung may girlfriend na siya? See? There's too many reasons why I don't wanna call him."

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa gawi ng kalangitan. Parang sang-ayon ito sa nararamdaman ko dahil makulimlim ito at mukhang uulan pa.

"Paano kung sabihin ko sayo na ni isa sa mga rason mo ay pawang walang katotohanan?"

Agad akong napatingin sa kan'ya at napataas ng kilay. "What do you mean?" I asked confused. She chuckled lightly.

"First of all miss Revamonte, may personal number siya na nakalagay sa computer system natin noong nog log in sila last week, you can call him easily. Pangalawa, you've been living your life making Solanna Brand famous and successful all over the world. See? Minsan kailangan din natin na magpabaya lalo na't kaligayahan mo ang nakasalalay dito. Pangatlo? Sabi mo busy? I bet his not. Pang-apat, I'm hundred percent sure he'll be happy kapag sakaling tumawag ka sa kan'ya and lastly, to answer you question, why don't you ask him personally?"

Wala akong nagawa kundi huminga ng malalim."You're talking too much as if the person is with us." Napailing ako at nagsimula ng pirmahan ang mga papeles na nakalatag sa table ko.

I already signed three important papers when Elysia gently grab my personal pen and put it in my drawer. Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na pala siya.

"Someone's looking for you at the reception lobby, miss Revamonte."

She smiled then walked towards the elevator and winked at me. I have no time to asked her who's waiting for me but then I can feel my heart's reacting.

Napatingin ako sa gawi ng office iPad ko at wala akong nagawa kundi tawagan ang nasa lobby. After one ring ay agad nila itong sinagot.

"Miss Revamonte, good afternoon!"

The receptionist lobby was so lively as she greeted me through call.

"Good afternoon too. My secretary informed me that someone's waiting for me at the lobby? May I know who it is?" Kalmadong tanong ko at hinintay ang sagot niya.

"Oh, right! His name's Light Elizalde, miss. He doesn't have any appointment kaya't I dismissed him nalang po."

"You, what?!"

Sweet MomentsWhere stories live. Discover now