Before

32 8 0
                                    

-Sophia Bailey-

Unti-unti akong napapamulat ng mga mata dahil sa huni ng mga ibong nasa bukas na bintana ng silid. Sinag ng araw na nagmumula sa kalangitan ang bumungad sa paningin ko kaya mabilis akong napabangon at malungkot na kinusot ang mga mata.

Tirik na tirik na ang araw. At ako 'tong walang balak na gawin sa araw na ito kung hindi ang matulala na lamang at maghintay ng kung ano man ang darating na maganda. Para sa akin, walang kahit na anong news ang magiging good. Walang kahit na anong events ang magiging exciting. Wala ni isang pagkain ang magiging kagana-gana.

I yawned again at got out of my bed. Natulala ako nang saglit dahil sa napansin. Sa kama? Hindi naman kama ang tinulugan ko kagabi. Isa pa, nasaan si Emma? Luciana at Emery? Katabi ko lang sila.

Umirap ako at ginising ang sarili sa pamamagitan ng diretsong paghilamos ng mukha sa banyo. Hindi ko na rin  nagawang tingnan ang mukha ko kasi ayaw kong makakita ng mga matang mugtong-mugto sa kaiiyak kagabi.

He's gone.

I stared at the open faucet of the sink. I began thinking about him, about everyr sorrowful thing that I would always cry over. Hindi na siya babalik. Hindi na mababago ang lahat.

Wala na si Austin. Wala na ang kaibigan namin. My boyfriend's gone.

I sighed and decided to raise my head up to prevent my tears from falling again. Ilang beses akong huminga nang malalim at sa wakas ay nakapagpigil ako.

Tama na muna, Sophy. Huwag ngayon. Puwedeng mamaya, huwag lang ngayon.

Napapikit akong tumingin sa repkleksyon ko sa salamin bago naisipang lumabas ng banyo.

Subalit bago pa man ako makabaling ng tingin. Nanigas pa akong tumitig muli sa repleksyon ko.

Ano 'to?

Teka....

I slapped my cheeks and pinched them many times which made me mumble in pain and the fact that this was not a dream. This is not real. I need to wake up.

Bakit mukha ng lalaking hindi ko kilala ang nakikita ko sa salamin?! Ako ba ito?!

I dashed outside the bathroom and noticed that I was already not in the room where me and my friends slept. This room was not familiar. Napasuklay ako ng buhok na maikli kasi buhok ng lalaki ito, ilang beses akong naglakad-lakad  sa kuwarto bago umupo sa kama. Kaya pala nasa kama akong bumangon.

I went to the closed cabinet and saw some clothes of a guy. And then dashed back to the mirror of the mini bathroom. A face of a guy.

Ilang beses kong hinawak-hawakan ang mukha ko hanggang sa na-realize kong lalaki ang buong ako ngayon. My face reddened in embarrassment, I couldn't take my clothes off and wash!

What's happening here!

"Cedric, anak! Cedric! Gising na!" Ilang beses na tinawag ng isang babae mula sa ibaba ang narinig ko kaya nagtaka ako kung ako ba ang tinutukoy niya.

"Cedric?!"

"Cedric!"

Ako nga siguro 'yon!

Hindi ko man alam ang nangyayari, kailangan kong hanapin ang kasagutan dito. I went out of the bedroom and saw a phone over the table. Lumunok akong pumulot niyon at mabuti na lang at walang password.

Akin siguro ito. I mean, phone ito ng taong nagmamay-ari sa katawang ito.

"Cedric! Bumaba ka na diyan! Nandito na si Kuya David mo, hinihintay ka!" muling tawag ng babae na nanay siguro ni Cedric kaya napatakbo akong lumabas ng kuwarto at dala ko pa ang cellphone.

Saving AustinWhere stories live. Discover now