Chasing Anthony

10 3 0
                                    

-Emery Sullivan-

November 24, 2026
11:00 am
Grant Building Apartment, Emett District, Ireal City

I dashed towards the apartment's exit with the phone on my ear. Sinuot ko muna ang sapatos ni Emma at saktong naghihintay sa hallway si Rose.

"Ate, Emma. Anong nangyari?" Puno ng pag-aalala ang mukha niyang humarap sa akin. Wala na akong oras para magpaliwanag o para ipaliwanag ang lahat kay Rose kasi may kailangan akong habulin. I need to catch up with him. With that guy!

"Babalik din ako. May pupuntahan lang ako saglit kaya rito ka muna."

I held Rose's shoulder with my smile to erase her worries. "Tutulungan kitang sumagot ng assignment mo, promise. Mamaya."

She pursed her lips and smiled. "Okay, promise! Ingat ka!"

I gave her a serious face before nodding. Tuluyan ko na siyang nilagpasan nang napatakbo na rin ako sa hallway.

"Hindi alam ni Rose na hindi ka si Emma?" tanong ni Emma sa kabilang linya pero boses ng lalaki ang naririnig ko--- boses ni Logan. Nagsimula na akong humingal nang makababa na ako ng building. "Wala akong sinabi sa kanya pero naikuwento niya sa akin 'yong tungkol sa narinig niya kagabi."

Naghintay ako ng mapaparang cab sa kalsada pero malabong may hihinto kaya tumakbo na lang ako nang tumakbo. Marami na pa akong nababangga kaya panay hingi ako ng paumanhin.

I'll save him. I'll save Austin. I need to catch up with Anthony!

"Yes, that's what we've talked about earlier. Kagaya ng ikinuwento ni Rose sa 'yo kanina, 'yon din ang ikinuwento niya sa akin sa araw na iyon," sabi ni Emma sa kabilang linya. Lumiko na ako ng tinatakbuhan. Sinubukan ko ulit na pumara pero wala pa ring cab kaya napasandal ako sa aking mga tuhod.

"Kaya dapat mong mahabulan si Anthony ngayon. Kilala mo naman na siya, hindi ba? Siya 'yong kumatok kanina sa pinto at may dalang bulaklak," dagdag niya pa. I nodded by myself.

"Oo, nabanggit niya si Luciana kaya kung mahahabulan ko si Anthony para sabihing asikasuhin na si Luciana para ma-cancel ang meet up ni Austin saka Sophia sa kanya, maliligtas natin si Austin."

"Correct! Emery." I smiled when Emma said that. "You've heard from Rose that there was a set up from a Birthday party, right?"

Akmang tatakbo na ulit sana ako pero halos matahimik pa ako ng binanggit ni Emma. That's right, I knew about that set up and serving of drinks from a party that was held yesterday. Sinabi ni Rose na David ang pangalan ng naging target ng mga suspek na narinig niya.

Higit sa lahat, ako mismo ang nag-serve niyon kay David.

Sigurado akong ang David na tinutukoy ni Rose sa kuwento niya saka ang nakasagasa kay Austin ay iisa.

I gulped and breathed faster again. "Can you still do it Emery? We're sorry! Hindi kasi kami makaalis ni Sophia, o ni Cedric dito ngayon kasi gagawin namin ang lahat, mapigilan lang si David!"

"Kayang-kaya ko, Emma! Dapat kong kanselahin ang lakad ni Austin at ni Sophia para masigurasong walang mangyayaring aksidente," sagot ko kay Emma mula sa tawag. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko na inasikaso ang pagpara o paghintay ng masasakyan dahil aksaya lang sa oras 'yon. Dapat kong kayanin.

Isa pa, dapat malaki ang maitutulong k
sa problemang ito. Ako kasi ang mismong naghain ng inumim kay David. Kung hindi ko sana naituloy 'yon, wala sanang mangyayaring trahedya. Malaki rin ang kasalanan ko!

"E-Emma! N-Nariyan ka pa ba? H-Hello?!" kapos ang hininga kong pagtatanong sa kabilang linya. Sa wakas ay sumagot naman siya pero boses nga lang ni Logan.

Kailangan ko ring aminin.

Amining malaki ang kasalanan ko.

"Ano 'yon? Teka! Teka! Nahabulan mo na si Anthony? Meron na si Anthony?!" She was so excited to know it. "Wala kasi akong number ng taong 'yon, e. Ni hindi ko pa nga siya nakitang humawak ng cellphone kaya kailangang ma-approach sa personal."

"Ayos lang," I answered. "Gusto ko lang sabihin na kasama ko si Rose sa gabi ng November 23. Staff din ako sa Birthday Party at saka..."

Idiniin ko ang mga labi ko.

"At saka?"

I kept running and running. As I earn exhaustion from running, I could also earn my courage to admit it.

"At saka, Emma. Ako pala ang nakapag-serve ng inuming nainom ni David! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya, hindi ko alam! Nalaman ko lang 'yon noong naikuwento ni Rose iyon kanina!"

Sandaling katahimikan ang nanaig sa kabilang linya pero rinig na rinig ang huni ng mga busina, ang mabibilis na padyak ko at ng mga napapadaang tao rito.

Kahit anong mangyari, dapat naming mailigtas si Austin ngayon. Alam kong kaya ni Emma at Sophia na pigilan ang babangga kay Austin.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo! Wala kang kasalanan doon at saka, isipin natin ang dapat nating gawin kay Austin! Nakausap naman na namin si Logan kanina at mayroon siya sa katawan mo ngayon!" ani Emma sa linya kaya tumango ako nang tumango habang mas namumuo ang aking pagod.

Hindi lang ako ang napunta sa katawan ni Emma. Pati si Logan ay napunta sa katawan ko at si Emma naman ay napunta sa katawan ni Logan. Ibig sabihin ay napagpalit-palit kami sa  katawan ng isa't isa. At malaki rin ang koneksyon ng mga nangyari sa amin bago nangyari ang trahedya sa araw na iyon.

Tila isa itong malaking chance na ibinigay sa amin para iligtas si Austin.

Panaginip man ito o hindi. Malaki ang pasasalamat namin.

Binibigyan kami ng pagkakataon para itama ang nangyari.

I dashed through the city to chase what saves Austin. Emma and Sophia's guiding me while Logan's also trying his best!

We need to save Austin. Kailangan kong mahabulan si Anthony at sana ay nagkita na rin sila ni Luciana ngayon para masabi ko na lang kay Luciana na kanselahin ang meet up niya kay Sophia saka Austin.

At kapag nagtagumpay si Sophia o Cedric at Emma sa pagpigil kay David, masisigurado na namin ang kaligtasan ng kaibigan namin.

Saving AustinWhere stories live. Discover now