November 23

11 2 32
                                    

-Emery Sullivan-

November 23, 2026
10:30 pm
Emett District Subdivision, Ireal City

"A-Ate... Ate, gising!"

"Gumising na po kayo! Ready na 'yong juice!"

"Ate!"

Mabagal kong iminulat ang inaantok kong mga mata at ang itsura ng pamilyar na babae ang  nakita ko. Nang maaninang ko na ang mukha niyang nag-aalala ay para tuloy akong nabuhusan ng malamig na tubig para magising.

Nakatulog ako?! Kailan pa? Anong oras na?

Si Austin, ano nang nangyari sa kanya? Nakatawid ba siya?

Tumayo ako at nagmanman sa buong paligid at laking gulat ko nang nasa mismong Party ako. Teka, ang Party na ito.

Hindi ko alam ang nangyari, nakatulog ako? Naigtas ba talaga si Austin? Nailigtas din ba namin siya?

"Ate? Ayos ka lang?" Tinapik ni Rose ang balikat ko at dahil kilala ko kung sino ang kasama kong babae ngayon, mabilis kong hinawakan ang magkabila nitong braso para harapin niya ako.

"R-Rose! Ano nang nangyari? Nasaan na si Austin? May nainom na ba si David na may halong drugs? Rose!" I shook her and I stopped when I found no response to her. I slowly let Rose go and she was staring at me, pointlessly.

"Nakatulog ka po, Ate. Nananaginip ka lang yata," sabi ni Rose sa akin sabay sapo sa likod ko. Muli akong umupo at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. Hindi ko alam ang dapat kong unahing isipin.

Napunta ako sa katawan ni Emma at bumalik ang panahon sa araw na namatay si Austin. Bakit ganito? Bakit nandito ulit ako sa Party?

Anong oras na ba?

Kulang na lang ay himatayin na ako sa nakita kong date saka time na nasa screen ng cellphone ko.

I was back in my own body already. But what's the meaning of this?

It's still November 23?

Ibig sabihin, ano ang totoo sa mga nangyari? Panaginip lang ba ang lahat? Paano na ang pagkamatay ni Austin? Mangyayari ba 'yon bukas?

"Ate? Uminom ka kaya muna ng tubig," ani Rose na sobrang nag-aalala sa akin. Imbes na sundin ko ang suhestiyon niya, tumikhim muna ako para pakiusapan siya.

"Rose? Please? Pisilin mo muna ako. Gusto kong patunayan kung nasa panaginip ba ako ngayon," pakiusap ko sa kanya sa mahinang boses.

"Huh?" She creased her brows on me with such confusion. I pleaded to her in order to show that I was not joking at all.

Kapag napatunayan kong hindi panaginip ito kahit na bumalik ako sa totoong katawan ko at sa gabi ng Nobyembre, ibig sabihin ay panaginip ko lang ang buong pangyayari.

Ang pagligtas namin kay Austin, ang pagkamatay niya at ang pagpapalit-palit namin ng katawan.

Ano ang lahat ng iyon? Parang totoo.

"O-Okay po," pagsunod ni Rose sa pakiusap ko kaya naman, pinisil niya ang aking mga pisngi.

I winced in pain when her multiple pinches hurt a lot. But I was more surprised to know that I was not dreaming at all. Pero hindi iyon sapat bilang patunay.

Medyo humalakhak si Rose sa ginawa niya sa akin. "Ang lambot ng cheeks niyo, Ate!"

"P-Puwede mo bang patunayang hindi ako nananaginip ngayon?" tanong ko pa sa kanya pero medyo nagdalawang-isip ito.

Saving AustinWhere stories live. Discover now