The Prank

8 4 0
                                    

-Emma Griffin-

November 24, 2026
8:45 am
Emett District Subdivision, Ireal City

"Oh, no, no, no!"

"No, no! How! Why?"

I bit my nails--- ouch! Hindi ko pala kuko 'tong mga ito. Kadiri! Pagkatapos kong maglakad nang pabalik-balik sa loob ng kuwarto. Tumungo ulit ako sa salamin sa banyo at muling sinampal ang pagmumukha ni Logan. This face was Logan's! How?

I tried making a cool pose. Woah, he's kind of cool and handsome but with this situation, I couldn't call it cool or awesome! Bakit nasa katawan ako ngayon ni Logan?!

I am Emma!

"Whew, self! Emma ang pangalan mo. Si Emma ka!" I said to myself. Pinapaypayan ko pa ang sarili ko bago umupo sa kamay ni Logan. Paano ako makakapagpalit ng damit ngayon kung hindi ko naman katawan ito?! At kung anong klaseng magic o panaginip na ba ang mayroon sa akin!

"Oh, God! How am I suppose to change my clothes and go out?! Ibang bahay na ito!" I panicked and rolled over his bed. Kagabi, natulog lang naman akong kasama 'yong mga girls saka katabi ko pa si Sophia pero paggising ko kanina! Tirik na tirik na 'yong araw tapos wala na akong kasama!

Okay, calm down.

I breathed in and out for so many times to calm myself from this messy situation until I made up my mind to open Logan's phone on his bedside table. Good thing I usually borrow his phone before and he didn't change his password yet. Loyal pa rin talaga si Logan sa dati!

"KYAAAH!" I shouted and I was turned off to hear my high-pitched voice because it's so low at mukhang bakla tuloy si Logan. However, it doesn't matter whether Logan became girlish or not right at that moment!

I picked the phone I threw away and stared at the date displayed on the screen. Seryoso, wow lang, ha?

"Bakit November 24, 2026? Okay, Emma, alam mong masyadong maaga na rin 'yong alas otsong paggising mo pero paano naging November 24 ang date?!"

I lied down once again before staring at the ceiling. The days went back too.

Today's the day Austin will leave us.

"Logan! Logan!" tawag ni Tita---Mama ni Logan mula sa labas ng kuwarto kaya bumangon agad ako saka tumakbo palabas. Kailangan kong puntahan ngayon si Austin. O si Sophia! O si Luciana sa Kiran Street.

Sabi ni Anthony noon na makikipagkita siya kay Luciana kaya mas okay na i-inform si Luciana na sumama na lang lay Anthony para hindi matuloy ang meet up nila nina Austin at Sophia. At doon, hindi na maaaksidente si Austin.

I dashed towards the dining area to see Logan's mother. Yeah, sanay ko na ang bahay nila Logan. Sanay ko na ang mga bahay ng mga kaibigan ko kaya hindi na ako nahihiyang patakbo-takbo na lang dito.

"Good morning po," bati ko sa Mama niyang naghahanda ng pagkain sa lamesa. "Tita, orange juice. Gaya ng dati."

Kukuha na sana ako ng isang sandwhich pero napansin kong napahinto si Tita sa pagsalin ng tubig sa pitcher at natulal siya sa akin.

Natulala rin ako.

Oo nga ano. May mali akong nasabi.

"A-Ah..." I looked away. Sabi na nga ba't si Logan dapat ako, e.

"Nagagaya mo na si Emma, ha? Hindi ba't mahilig 'yon sa Orange juice?" ani Tita kaya napabagal ako sa pagnguya. Wow lang, ha? 'Yong orange juice ba ang nagiging iconic sa akin? Basta orange juice ako na yata ang naaalala ng lahat.

"Aba, Ma! Malay ko sa taong 'yon. Basta trip ko lang ng orange juice ngayon," sagot ko kaya napatikhim si Tita. Hindi nga pala siya ganoon kahinhin. Isa rin itong beast kagaya ni Logan, e. Kaya siguradong sa oras na magiging pasaway ako, sermon ang maabot ko sa kanya.

Saving AustinWhere stories live. Discover now