Chapter 1

3.8K 108 6
                                    

Devon's PoV

Maaga naman akong nagising dahil pasukan na naman. Nakakatamad kayang pumasok araw araw. 

At isa pa ang gagawin lang naman namin ay ang magpakilala sa harapan ng mga kaklase namin. Ano kami mga bata? Na kailangan pang magpakilala isa isa.

Mga highschool na kami, jusko. Kung ano ano kasi ang iniisip nila e.

Eh halos magkakilala na kami. Ikaw ba naman ang halos magkaklase mula elementary hanggang highschool.

Pero sabagay okay lang naman yun dahil marami namang mga transferee na dumadayo sa school namin para mag-aral.

Bagong pasukan bagong mukha. At hindi lang yun, kalbaryo na naman ang mararanas ko ngayon.

Gunun naman lagi e. Ano pa bang aasahan mo?

Kung hindi niyo natatanong, isa din akong famous sa school namin.

Oppss!

Hindi yung sikat na hinahangaan a, yung kinababaliwan ng mga tao na makikita ka palang na bubungad sa labas nang gate ng school o kung saan saan.

Ang sinasabi kong famous ako dahil isa akong
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Malaking loser sa school namin.

Oo isa akong loser na laging inaaway, linalait, galing inuutusan kung ano ano. Laging pinapagawa ng mga assignments.

Lagi rin nila akong pinagti-tripan, binubully kung ano ano ang pinapagawa.

O diba, ang saklap ng kapalaran ko. Tinitiis ko ang mga pinaggagawa nila sa akin.

Wala akong magawa. Mahirap lang kami, ano naman ang laban ko sa kanila na ang yayaman. Laging pinagyayabang kung gaano sila kayaman, kung gaano kaganda ang mga bahay o buhay nila.

Umiiyak na lang ako mag-isa yung walang nakakakita. Duon ko binubuhos ang lahat ng paghihirap na nadadaranas ko sa kanila.

Hindi ako makapag sumbong dahil natatakot ako baka kung ano ang gawin nila sa akin, baka mawala pa ang scholar na kinaiingatan ko. Hays.

Hindi pala ako nagpapakilala. Sige na nga magpapakilala na ako.

Ehem! Ako ng----

Boink!!

"Aray kooo naman, nay! Magpapakilala pa ako e. Bakit bigla bigla kang pumasok sa kwarto ko para batukan?! Hindi mo ba alam ang kumatok?!" reklamo ko kay nanay.

Kaasar talaga tong si nanay. Bigla biglang nambabatok.

Nakita ko naman biglang tumaas ang kilay niya at ang sama pa ng tingin sa akin.

"Aba't ikaw bata ka, anong oras na at nandito ka pa sa kwarto, parang baliw na nakatulala!"

Napanguso naman ako.

"Nay naman" maktol ko.

"Ano ha? At isa pa, anong pinagsasabi mong kwarto mo, baka nakakalimutan mong iisa lang ang kwarto dito sa bahay. Walang pinto ang kwarto natin." asar na pambabara ni nanay sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi nya.

"Ay! Wala ba tayong pinto? Nakalimutan kong kurtina lang pala ang nagsisilbing takip ng kwarto natin. Hehe!" napa-peace na lang ako.
 
"Umamin ka nga, nak. Nakasinghot ka ba ng drugs? Kung ano ano ang sinasabi mo e." asar na sabi ni nanay.

"Nay naman. Hindi po ako naka-drugs. Naka syabu lang ako." biro ko at sinabayan ng malakas na tawa.

"Aba't!"

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now