Chapter 25

1.1K 38 1
                                    

Devon's PoV

Waaah! Bukas na ang birthday koooo.  yiipee!!! Ang bilis ng araw ano. Parang pagmamahal ko lang kay Calvin ang bilis.

Mage-eighteen na talaga ako bukas. Syet! Medyo kinakabahan ako. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Excited, kinakabahan, kung ano ano pa. Hindi ko ma explain.

Ang dami kong gustong gawin mag eighteen ako. Isinulat ko ito ang mga gusto kong gawin sa isang diary. Hehe! Nagsusulat din ako ng diary. Hihi!

Hmmm. Kinikilig ako.

"Oyy nak! Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang natatae kapag kinikilig." pukaw atensyon ni nanay sa akin.

Dahil sa pag-aagaw eksena niya sa pagde-daydream ko. Ayun, biglang nawala ang iniisip ko. Inggit lang yang si nanay.

"Nay naman, bakit ka ba nang iistorbo? Kung gusto mo ding mag daydream, gumawa ka din ng sayo." busangot kong reklamo sa kanya.

Tumigil sya sa pagkain. At bigla nya akong tinaasan ng kilay. Uh-huh?

"Aba ikaw bata ka. Kung ano ano na naman kasi yang iniisip mo. Baka nakakalimutan mo na may klase ka pa ngayong araw." tinaas nya ang dalawa nyang kilay.

Napakamot na lang ako ng buhok. Oo nga pala, kung ano ano kasi ang pumapasok sa isipan ko. May klase pa pala ako ngayon.

"Hehe! Pasensya na nay. Sige na po, ito na, kakain na."

Agad ko namang pinagpatuloy ang kinakain ko. Medyo malamig na pero kinain ko parin, sayang lang kung hindi ko kakainin.

"Oo nga nay. Magpapaalam po sana ako ngayon. May pupuntahan kami ng mga kaibigan ko. Wala naman po kaming klase mamayang hapon. May gagawin po ang mga teachers namin." maya mayang sabi ko sa kaniya.

Tumigil naman siya sa pagkain at kunot noong napatingin sa akin.

"Saan naman kayo pupunta? At ano ang gagawin ng mga teachers niyo para half day lang kayo ngayon?" tanong ni inay sa akin.

Napakagat ako ng labi at bumuntong hininga.

"Hindi ko po alam ang gagawin ng teachers namin nay. Pero usap usapan na may magaganap daw na okasyon. Hindi ko po alam ang buong detalye." pagsasagot ko.

Nakita ko naman na tumango tango si nanay.

"At saan naman kayo pupunta ng mga kaibigan mo?" patanong nyang sabi sa akin.

Napakamot muna ako ng ulo.

"Hindi ko po alam sa kanila e" kabit balikat kong sabi sa kaniya.

Hindi ko naman kasi natanong kung saan kami pupunta.

"Please nay, payagan mo na po ako mamaya. Ngayon lang naman po e." nakanguso kong pagmamakaawa sa kanya.

Nakita ko naman na napabuntong hininga sya. Pumayag sana sya lord.

"Sige, pagbibigay kita. Pero dapat hindi kayo magtatagal sa pupuntahan nyo. Alam mo naman kung ano bukas diba?" may kahulugan nyang sabi.

Bigla akong napatigil. Oo nga pala. Hindi dapat ako basta basta maglalabas dahil bukas na ang birthday ko. May pangitain kasi ang mga matatanda na hindi pwede ang basta bastang magga-gala kung malapit na ang birthday.

"Sige po. Mabilis lang po kami bukas." sagot ko sa kanya.

"Oh sya payag na ako. Basta wag mo lang kakalimutan ang sinabi ko sayo."

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at pinagpatuloy ang kumain.

****

Pagpasok ko sa room namin. Bumungad sa akin ang mga kaklase kong takas mental. Buwahaha.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now