Chapter 13

1.1K 39 0
                                    

Devon's PoV

Next Morning...

"Nak nandito ang mga kaibigan mo. Hinihintay kana nila sa labas. Bilisan mo dyan."

Halos mabilanuukan ako sa sigaw ni nanay mula labas ng bahay. Buti na lang at hindi ko naubuga ang iniinom kong tubig. Ginulat ako.

"Sige nay pakisabi sa kanila na magto-Tooth brash lang ako." sigaw ko pabalik.

Hindi ko na sya narinig na sumigaw. Kaya binilisan ko na lang ang ginagawa, baka iwan ako ng mga yun e. Mahirap na.

Pagkatapos kong mag toothbrush agad akong lumabas ng bahay. Nakita ko naman si nanay na kausap ang mga kaibigan ko.

Hanggang dito dining na dinig ang boses. Hehe. Si inay talaga o ang lakas ng boses.

"Ayaw nyo bang pumasok muna mga iho at iha? Baka matatagalan pa ang anak kong yun. May pagkabagal pa naman ang isang yun."

Naningkit naman ang dalawa kong mata dahil sa sinasabi ni inay sa mga kaibigan ko. Aba si inay sinisiraan ako patalikod. Nanay ko ba ito?

"Hindi na po tita, hintayin na lang namin sya dito. Hehe!" nakangiting pagtanggi ni Megan.

"Oo nga po... Oh ayan na po pala sya."

Hindi natapos ang sasabihin ni Ross ng makita nya akong papalapit sa kanila. Buti pa ang isang ito, nakita agad ako.

Kaya lahat sila napatingin sa akin. Kung makatingin naman ang mga ito wagas. Psh. Hindi ako artista para titigan uyy. Hehe.

"Good morning sa inyong lahat." ang lawak ng ngiti kong pagbabati sa kanilang lahat.

Bakit masama bang maging masaya? Ewan ko kung bakit maganda ang gising ko ngayong araw. Hehe.

Napakunot naman silang lahat sa akin na parang nawiwirduhan sa inaasta ko.

Hay naku, bakit kasi ganun sila makatingin sa akin? Bakit mukha ba akong tanga kung nakangiti ako? Bakit mas lalo ba akong pumangit dahil wala ang nerdy glasses ko??

"Good morning din sayo Devon." nakangiti din nilang bati sa akin.

"Ganda ng araw natin ngayon Devon a..." bigla na lang sabi ni Tristan habang nakangiti.

Napatingin naman ako sa kanya at biglang ngumiti. Hehe. Gusto ko lang ngumiti e.. May masama ba sa ngiti ko?

"Bakit, masama bang maging masaya? Hehe.." balik na tanong ko naman sa kanya. At sinabayan ko din ng mahinang tawa.

Napakamot naman sya ng batok." Hindi naman sa ganun.. Ang weird lang." sagot nya.

"Para kang nakasyabu nak. Umamin ka nga, naka-syabu ka ba?" singit na tanong ni mama mula gilid ko.

Narinig ko naman silang nagtawan. Hmp. Tumingin naman ako sa kanila ng masama. Pero sila, nagpeace lang sila sa akin at iniba ang tinitignan.

"Nay naman e, ano bang pinagsasabi mong nakasyabu. Hindi po ako nakasyabu. Wala namang masama kung maging masama ako ngayon." nakangusong pagmamaktol ko.

Pero ang nanay ko, inirapan lang ako.

"Oo na, oo na. Sige, baka malate pa kayo." pagsusuko nya.

Humalik muna ako sa pisngi nya bago umalis.

"Sige nay ingat ka huh. Wag ka masyadong magpapagod. Makakasama yan sa kalusugan mo." paalala ko sa kanya. Baka kasi pagurin nya na naman ang sarili nya.

May pagkamatigas din ang ulo ni inay e, basta gusto nya yun ang gagawin nya.

"Ikaw din, kumain ka sa tamang oras, huwag kang magpapagutom." paalala din nya sa akin.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora