Chapter 17

1.1K 42 1
                                    

Devon's PoV

"A-aray! D-dahan dahan lang naman, anong akala mo hindi ma-masakit. Ouch! F*ck! U-umalis kana nga diyan, mas lalo lang su-sunasakit kung d-dinidiin mo e. Ugh! Bakit mo kasi dinidiin? D*mn it."

"Tumigil ka nga sa kangangawa. Ang sakit sa tainga ang boses mo. Kung hindi ka talaga titigil dyan. Mas lalo ko lang itong ibabaon. P*nyemas to. Wag kang masyadong gumalaw galaw dyan, hindi ko na----"

"A-ayoko na please. Tama na. H-hindi ko na kaya ang s-s-sakit e. Waahhh! AYOKO NA TALAGA.... WAAAHHHH....."

*blagg!*

"WALANGYA KANG LALAKI KA. SABI KO SAYO NA WAG KANG GALAW NG GALAW DAHIL HINDI KO PA NAILALAGAY ANG BAND AID SA GILID NG PISNGI MO." sigaw ko sa lalaking maarte na ito.

[a/n: oy! oy! yang isip nyo. Nalumot na, wag maging green ang isip. Buti na lang ako at red ang nasa isip ko. BUWAHAHAHAHA!!! tawa kayo...]

Langya!. Parang babaeng ngawa ng ngawa sa harap ko. Sarap batukan. Pero wag na, kawawa naman. May pasa na nga sa gilid ng labi.

Buwahahahahhha..

"Pero in fairness nakakatawa yang itsura mo. Parang natakasan ng dugo dahil sa putla. Pffs." pang aasar sa kanya.

Pinagmamasdan ko sya na hanggang ngayon hindi pa tumatayo sa pagkakahulog sa umupuan. Wow ha. Mukhang maganda ang tales na kinakaupuan nya. Parang ayaw na syang tumayo sa sahig.

Ma-try nya rin minsan kung maganda ba. Haha!

"Anong sinabi mo ha ugly nerd?" inis nyang bulyaw sa akin.

Ouch! Ugly nerd talaga.

Medyo natawa naman ako dahil sa itsura nya. Para syang bata na nakaupo sa sahig. Namumula pa ang nguso nya.

"Wala" natatawang sabi ko. "mukhang masarap ang umupo sa sahig a? Parang ayaw mo ng tumayo dyan? Baka gusto mo maalalayan na tumayo?"  sabi ko sa kaniya.

Nakita ko kasi na medyo namula sya. Namumula din pala ang isang ito. Ang cute.

Bakit mas cute pa sya kaysa sa akin? Hmp. Hindi ko matanggap.

Napanguso na lang ako.

Calvin's PoV

Agad akong tumayo sa pagkaka upo ako sa sahig. Naramdaman ko na medyo nahilo ako pero hindi naman gaano kalala. Naramdaman ko din na medyo namula ako.

Kainis kasi itong nerd na ito. Kung maglinis ng sugat, sobrang idiin sa mismong sugat. Ang hapdi na nga ang sugat sa labi ko.

Nang makatayo ako, agad kong pinagpagan ang suot kong pants at napatitig kay nerd na ngayon nakanguso sa harap ko.

Napakunot ako bigla. Anong nangyari sa nerd na ito? Bakit sya nakanguso sa harap ko? Nagpapa-cute ba sya sa akin?

Pero kung nagpapakyut man sya sa akin. Masasabi ko syang hindi sya cute sa paningin ko.

Hindi sya cute sa paningin ko.

Kundi maganda sya.

Wala namang masama kung sabihin ko na maganda sya. Hindi nya naman alam na pinupuri ko sya sa aking isipan. Kung tatanggalin nya sana ang salamin sa mata nya, edi sana may lalo syang gaganda.

Baka kung sinabi ko sa kanya na maganda sya. Baka lalaki pa ang ulo nyan. Kaya wag na. At isa pa, bakit ko naman sasabihin sa kanya na maganda sya? Baka isipan pa nya na may gusto ako sa kanya.

Agad kong winaksi sa isipan ang bagay na yun. Tsk. Kung ano ano na naman ang nasa isip ko.

Binalik ko kay nerd ang tingin ko. Ayun parin, parang ang lalim ng iniisip. Psh. What really happened to this girl? Crazy. Psh.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz