Chapter 24

1K 42 3
                                    

Devon's PoV

Ilang linggo na ang lumipas mula nung nangyari ang pang bubully sa akin. Sa ilang linggong yun kahit kailan man hindi ko sinabi kay nanay ang nangyari sa akin. Nagsinungaling ako sa kanya.

Nagtanong sya kung anong nangyari sa pisngi ko. Nakita nya kasi yun na namumula. Abot hanggang langit ang kaba ko ng time na iyun.

Pero dahil magaling akong magpalusot. Naagapan ko agad.

Sinabi ko na "Napagtripan lang ako ng mga kaibigan ko na lagyan ng make up ang mukha ko. Napapansin kasi nilang medyo maputla ang pisngi ko. Minake over nila ako, wala akong nagawa kundi ang pumayag. Ang rami nila, nag iisa lang ako."

Ganyan ang sinabi ko kay inay, ang haba haba ng pagpapaliwanag ko na sinabi ko sa kanya. Wag kayo, matagal kong pinag isipan yun. Hehe.

Buti na lang at naniwala agad si nanay sa kasinungalingan ko. Akala ko mahihirapan pa akong magpaliwanag.

Sa mga kaibigan ko naman, sobrang galit na galit sila nung time na pinagtapat ko ang totoong nangyari sa araw na yun. Kung paano ako pagsasampalin at pinagsasabunot ng apat na babae. Gusto sana nilang simugod sa may gawa sa akin nun pero pinigilan ko agad sila.

Ayoko na pati sila madamay pa sa sitwasyon ko. Ayoko na pati sila mabully dahil sa akin. Okay lang kung ako na lang ang bulihin wag lang sila.

Matagal tagal din silang kumalma ng time na yun. Si Trisha, mas lalo ang galit nya ng time na yun. Parang may gustong kumawala sa kanya pero pinipigilan nya lang.

Pag naaalala ko yun. Napapangiti na lang ako. Ang suwerte ko dahil may kaibigan akong kagaya nila. Handa silang makipaglaban para maprotektahan ka lang o maiganti ka lang sa umaapi sayo.

Si Calvin....

Bigla na lang nagpop sa isip ko ang mukha nya. Ang mukha nyang galit na galit. Parang hindi ako makapagsalita agad ng tinanong nya kung anong nangyari sa pisngi ko.

Parang kung may mali kang masabi, may mangyayari na agad na masama.

Kitang kita ko sa mata nya ang ibat ibang emosyon na bumukas. Hindi ko lang yun mapangalanan.

Kaya hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari. Hindi alam kung bakit bigla syang nagalit ng time na yun at biglang nagwalk out.

Nang makaalis nya, sinabi ko ang totoo sa mga kaibigan ko.

Gusto kong mag assume na may gusto sya sa akin. Dahil sa pinapakita nyang emosyon sa kanyang mukha. Pero mahirap ang umasa kung alam mo naman na wala talagang pag asa na magustuhan ka nya.

Pero pinapanalangin ko na sana, kahit konting katiting man lang, may nararamdaman syang pagkagusto sa akin.

Nung time na tumingin sya sa mga mata ko. Nung tinanong nya kung anong nangyari sa pisngi ko at kung paano nya hawakan ang pisngi kong may pasa.

Parang may libo libong nakoryente na dumaloy sa buong katawan ko. Para akong hindi nakagalaw sa kinakaupuan ko. Para akong napako.

May napansin ako ng time na hinawakan nya ang pisngi at tumingin diretso sa mga mata ko. Parang kung ano sa mata na ang hirap paniwalaan.

Parang may napansin akong 'pagmamahal' sa mata nya ng time na yun. Hindi ko lang alam kung guni guni ko lang yun o ano. Bigla din kasing nawala at napalitan yun ng galit na mukha.

Hindi mawala wala ang sa akin ang emosyon na yun. Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa pinapakita nya.

Bakit kasi ang hirap na aminin sa kanya na gustong gusto ko sya? Kung saan madaling aminin e, pero ang hirap aminin sa mismong harapan nya.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now