Chapter 28

1.1K 34 0
                                    

Devon's PoV

"Makalipas ang limang taon, sa limang taon na yun. Araw araw na lang umiiyak ako. Hindi ko parin matanggap ang nangyari, lagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala mo, pero hindi naman pala totoo. Buti na lang at nasa tabi ko ang daddy at kapatid mo. Baka hindi ko kakayanin kung pati sila ay mawala. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ang nangyaring trahedya. Nabawasan ng konti pero nandoon parin ang pangungulila sa'yo. Hanggang hindi nakayanan ang daddy mo sa sabihin ang totoo." napatigil siya sa pagsasalita.

Wala sa sariling napatingin sa kanya. Napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko siyang mas lalong nagsihulugan ang luha sa pisngi niya.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at binalik sa kanya ang paningin ko.

"T-tahan na po. H-huwag na po kayong u-umiyak, n-naiiyak din po ako e." kinakabahan kong pagpapatahan sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at pinunasan ang luha nyang patuloy parin sa paghagos. Ang sikip ng dibdib ko pag-nakikita kong nahihirapan siya.

Hinawakan niya ang kamay kong hawak hawak sa mukha nya. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang halo halo ang emosyon. Pero nangingibabaw parin ang lungkot sa kanyang mukha.

"A-anak?! I'm sorry. S-sinabi ng daddy mo ang lahat lahat sa akin. Hindi ka totoong nawala sa amin. Si mama ang may pakana ang lahat pero, ginawa niya iyon dahil sa kabutihan ng lahat. Ginawa niya iyon dahil mahal na mahal ka niya, tayong lahat. Ginawa niya ang lahat para hindi ka tuluyan na nawala sa amin. May gustong kumuha sayo noon. Ang mga kalaban ni mama sa mga business. Ang lola mo kasi noon ay isang babaeng walang kinatatakutan sa loob ng business world, wala siyang pinapalampas sino man." mahaba haba nyang kwento habang umiiyak sa tabi ko.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga.

"Nalaman ko na, kasabwat ni mama si Michael. Nalaman ko na gusto niya pala si Michael sa akin. Botong boto siya kay Michael. Nagawa nya lang sabihin ang masasakit na salita sa amin dahil ayaw niyang makita namin na may malambot siyang puso. Gusto niya ang malayo kami sa kaniya para hindi kami, tayo, madamay sa mga kalaban niya sa business."

"Umalis kami sa bahay niya. Siya na lang ang nag-iisa dahil nauna nang namatay ang papa, ang lolo mo. Umalis kami sa mansion nya, pumunta kami sa probinsya sa pamilya ng papa mo. Doon kami tumira ng limang taon. Tinanggal ko ang communication ko kay mama. Makalipas ang limang taon, wala akong naging balita sa kanya. Unti unti kong nakakalimutan ang mga ginawa niya sa amin noon.. " hindi pa natapos ni Mrs. Harris ang sasabihin nya.

Bigla na naman syang umiyak ng umiyak. Namalayan ko na lang na yakap yakap ko na sya ng mahigpit.

"Tahan na po..." pagpapakalma ko sa kanya.

Iyak lang siya ng iyak sa balikat ko. Napakagat na lang ako ng labi at hinahaplos haplos ang balikat likod nya.

"M-may d-dumating na tawag mula sa kamag anak namin sa manila..... P-parang nagunaw ang m-mundo ko namg sabina nilang, ang hina hina na ang mama ko. N-nakahiga na lang daw siya. H-hindi na niya kaya ang bumangon, lagi nya akong hinahanap hanap. L-lagi na lang daw na nagsasalita kahit wala siyang kausap. L-lagi daw siyang nag-sosorry sa amin ng pamilya ko, sa mga ginawa nya. L-lagi daw siyang u-umiiyak mag-isa. Sabi ng kamag anak namin, na- depress ang mama, m-mula ng u-umalis k-kami sa poder niya."

Wala paring tigil ang pag-iyak ni Mrs. Harris. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa mga kwento nya. 

"A-ano p-pong n-nangyari sa kanya? Na-nasaan na po siya n-ngayon?" humihikbi kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak sa harap nya.

Umiiyak siyang pinagpatuloy ang kwento.

"P-pagkalaman ko ang nangyari. Dali dali kaming bumalik dito sa manila. Lahat kami pumunta, hindi ko alam ang gagawin ko ng time na yun. Basta ang alam ko lang, gustong gusto ko ng makita ang mama ko. P-pagkadating  at pagkadating  palang namin sa bahay nang lola mo, m-m-malapit na s-siyang m-m-mamamaalam...... P-parang g-gumuho ang mundo ko noong umiiyak siya habang h-humihingi sa amin nang ka-kapatawaran sa mga nangyari. P-pero napatawad na namin siya sa lahat ng mga kasalanan niya. P-pero hindi ko inaakala na yun na pala ang last na m-makikita ko ang mama ko. H-hinihintay na lang niya kami para m-makahingi ng p-paumanhin sa lahat ng kasalanan nya." patuloy nyang pagkukwento.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat