Chapter 29

1.3K 39 0
                                    

Devon's PoV

"Totoo? O baka pinagloloko mo lang kami. Sasapakin talaga kita." hindi maka-paniwalang tanong ulit ni Trisha.

Mukha ba akong nagbibiro?

"Hmp! Edi, huwag kayong maniwala. Hindi ko din kayo iimbitahan sa debut ko dahil hindi kayo naniniwala sa akin." balewalang sabi ko sa kanila.

At binalik ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Ha? Diba tapos na ang birthday mo? Tapos may panibago na naman?" takang tanong ni Tanya.

Binaling ko naman ang tingin ko sa kanya. Nakita ko nakatutok lahat ng tingin nila sa akin.

"Iyon ang gusto ni mama e. Hindi kasi natuloy noong sabado ang birthday ko at ang kambal ko." kabit balikat kong sagot sa kanila.

Naramdaman ko naman na napasinghap sila.

"Whoa!! Kita niyo naman, may kambal pala ang kaibigan nating ito."

"Grabe hindi ko makapaniwala na ganito ang ikukwento mo sa amin."

Napailing na lang ako. Mukhang manghang mangha sila sa kwento ko. Sabagay ganun din ako noong una.

"Tigilan niyo na nga yan. Bakit ba manghang na mangha kayo diyan?" natatawang tanong ko.

"Duh!! Ikaw ba naman ang malaman na anak ka pala ng mayaman na tao at may-ari pa ng school na pinapasukan natin. Tignan lang natin kung hindi ka mamamangha"

"At ito pa ha, kaibigan pala natin siya. Jusko. Ang ganda ipagmayabang na kaibigan natin ang may-ari ng school. Hehe!"

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Tigilan niyo na nga ako, ituloy na nga lang natin itong kinakain natin. Baka mamaya lumamig na ito. Hindi na masarap." pag-aalibay ko.

Naiilang ako sa mga pinag-sasabi nila.

"Hindi mo ba tatanungin kung nasaan si Calvin, Devon?" biglang tanong ni Tristan.

Kaya napabaling ulit ang tingin nila sa akin. Heto na naman tayo. Nakatingin na naman silang lahat sa akin.

Pero hindi ko na lang yun pinansin. Ang nakakuha ng atensyon ko ay yung tanong ni Tristan.

Hindi agad ako nakapagsalita. Pero ramdam na ramdam ko na namumula na ang magkabilang pisngi ko.

"H-ha? B-bakit ko n-naman siya t-tatanungin?" utal na balik kong tanong sa kanya.

Natawa naman sila.

"Wala lang, baka lang kasi hinahanap mo." kabit balikat n'yang sagot. Pero may ngisi parin sa labi.

Paano niya kaya nalaman na kanina ko pa siya hinahanap? Halata ba ako?

"May tumawag sa kanya kanina, nang matapos n'yang binaba ang tawag dali dali siyang tumatakbo at pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan niya. Hindi lang namin alam kung saan ang punta niya. Pero makikita sa mukha niya ang pag-aalala.. " kwento ni Ross habang ngumunguya.

"Ahh!!" parang wala sa sariling sabi ko na lang at biglang napayuko. 

Habang kumakain kami, biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ross.

May tumawag sa kanya? At bakas sa daw mukha nya ang pag-aalala? Saan naman siya pumunta? Sino yung pinuntahan? Ganun na lang ba kaimportande ang pinuntahan nya para hindi man lang nakapagpaalam?

Babae ba o lalaki  ang pinuntahan?  Bigla na lang nanikip ang dibdib ko nang pumasok sa isip ko na babae ang pupuntahan niya.

Ang suwerte naman ang babaeng yun.

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora