Ang Pagsisimula

2.5K 63 1
                                    




4 years, apat na taon akong nagdusa, apat na taon akong nagkimkim, apat na taon akong sinisisi ng mga taong walang alam sa totoong nangyari, at apat na taon ko ding sinisi ang sarili ko. Sa apat na taon kong nawala sa buhay nila sinisisi pa din ba nila ako? Ngayong uuwi ako nawala na kaya lahat ng galit nila sakin? A lot of questions are running through my head, tangina hindi ko alam kung itutuloy ko ba at kung tama ba ang gagawin ko. Sana di ko nalang sila sinunod, sana di nalang ako sumunod.




Mabait ako dati eh pilisopo nga lang. Dati sobrang saya ng buhay ko, pero yung saya palang yun ay mapapalitan ng lungkot at sakit. Ayokong ibahin ang ugali ko, ayokong matutunan ang mga bagay at mga gawaing nanakikita ko sakanila. Pero ayaw matahimik ng kaluluwa ko gusto kong gawin ang mga ginagawa nila, gusto ko syang ipaghiganti at gusto kong ipamuka sa mga taong inakusahan ako na inosente ako.



Kaya may mga binago ako sa sarili ko, kung noon ay palagi nilang nakikita ang maaliwalas na mukha ko ngayon naman ay ang palaging nakabusangot, kung noon ang pagkakakilala sakin ay may pagka mahinhin sa galaw ngayon ay sisiga siga na, kung noon takot ako, ngayon ay sila na ang natatakot sakin, kung noon ay natakot akong pumatay ngayon wala na akong sinasanto.



Kung noon ay wala lang sakin ang paghihiganti, ngayon ay nakatatak na sa aking isipan ang paghihiganti. Ipaghihiganti ko ang taong mahal ko at ihihiganti ko ang mga taong nawalan ng buhay dahil sakanila, and mark my words MAUUBOS SILA.




-Heart less




Author's Note:



Halluuu ebiribadyyy!!! I'm milya and excited na akong mabasa nyo ang kwentong ito. Di ako magaling sumulat pero tinry ko naman hahahaha. Di ko alam kung anong magiging reaction nyo sa story na to, pero sana magustuhan nyo. Labyuu all




Ps. Plagiarism is Crime.




Pps: Kung may wrong graham man or may mapansin man kayong mali sabihin nyo lang para mabago or maedit ko hihi. Advance tenchuuu...



Mabagal ang pag uupdate ni Author kaya pag pasensyahan nyo na. Pero di ako manggoghost sya lang naman yung ginhost ako eh eme. Thank you again! 

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon