Chapter 4

638 35 0
                                    

Tama ang sinasabi ko ang daming tao, dapat pala di muna kami bumili dapat sa isang araw nalang bago mag pasukan.

Hindi naman yung sobrang siksikan na parang nasa tsangge pero yung siksikan yung mga tao sa kainan, sa mga stores at for sure na pagbibilhan namin ng gamit ay siksikan din tsk kainis.


"Ano Louis san tayo? Ang daming tao oh gusto mo sa ibang mall nalang tayo bumili ha?" Umiling siya.



"Mas okay dito ate it's not very far from home tsaka andito na din naman tayo eh, at malamang madaming tao mall ito eh at isa pa you're the one who's driving kapag lumayo tayo ikaw ang mapapagod kaya dito na tayo saglit lang naman tayo mamimili tapos okay na." Sabi nya. Haha naiisip nya pa yung pag dadrive ko may point naman siya kaya tiisin ko nalang siguro to saglit lang naman.


Naglakad na kami pa National Book Store, nakalahati na din namin yung mga need bilhin, nag iba muna kami ng daan ni Louis para mabilis matapos yung pamimili namin sya pamunta sa mga books at ako naman papunta sa mga papers at ballpen.


Habang nag hahanap ako ng magandang ballpen ayy may narinig akong bangayan ng dalawang lalaki familiar yung boses nila pero inisip ko nalang na baka ka boses lang


"Mas maganda tong sign pen na to kasi matinta tsaka malinaw pa yung sulat." sabi nung isa


"Anong gagawin mo sa matinta kung mabilis naman maubos ha? Wag ka na mag sign pen mag panda ka nalang malinaw din naman to eh at di pa mabilis maubos." Sabi naman nung isa pa.


Hinayaan ko lang sila na mag bangayan at tinuloy ang paghahanap ng ballpen, nang makita ko na ang hinahanap ko ay mabilis akong kumuha tatlong box yung may maraming laman para kapag naubusan kami eh merong kapalit.


Nung marinig nung dalawa yung pagkuha ko ay tumigil sila, nagulat nalang ako nung biglang magsalita yung isa.


"Cley? Wahh Cleyyyyyyy namiss kita, san ka galing ha? Ilang taon kang nawala tapos dito ka lang namin makikita, Cleyyyy." Pagkasabi nya nun ay niyakap nya ako, kung di ako nagkakamali si Cloud to tangina halos lumuwa ang mata ko sa pagkabigla, jusme of all the places dito ko pa talaga sila makikita.


"Bitaw." Seryoso kong sabi. Bumitaw naman sya sa pagkakayakap sakin at mukang nagtataka, mukang natauhan sya sa ginawa nya. Tinignan ko lang sya at saka tumingin din kay Claude


"Long time no see." Sabi ni Claude sakin, may pagka seryoso din na sabi nya


Tumango lang ako at nagpatuloy sa ginagawang pagkuha ko, tinitignan nila ang bawat galaw ko at pasalamat nalang dahil biglang lumitaw si Louis sa gilid ko, tinignan nya ang dalawa yung masamang tingin.


"Andito pala kayo." At ngumisi pero yung tingin nya ang sama, wow may pinagbago din pala sya good job kapatid ilabyu na.

Bago kami umalis sa pwesto ay tinignan ko muna sila "Una na kami." Sabi ko bago umalis. Takte buti nalang.


"Ate okay ka lang? Anong ginawa nila sayo? Pinagsalitaan ka ba nila ng masama ha?" Alalang tanong nya.


"Hindi, di ko nga sila inimik eh baka mainis lang ako, buti nga dumating ka ehh mukang magsasalita pa sila ulit. Thanks." Nagulat ako seryoso, kaya di ako nakagalaw agad buti nga nabalik ako sa wisyo kundi nasapak ko na si Cloud, joke.


Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon