Chapter 5

683 37 0
                                    


Someone's POV


"She's here, nakauwi na sya ng manila what's your plan?" Sabi nya sa kabilang linya


"Hayaan nyo muna sya let her be with her family, di muna tayo gagalaw, wala pang plano para sakanya. Ngayon yung pinapagawa ko muna ang asikasuhin nyo, mahirap na" Sabi nya sakanyang kausap


"Don't worry gumagalaw na sila babalitaan ka nalang namin kapag okay na."


Andito na sya makakagawa na ako ng plano laban sakanya o sakanila....


°°°


Cley's POV


Pauwi na kami ni Louis, jusme inabot kami ng 8pm kakalaro sa arcade, may gusto kasi syang makuha kaya lahat ng pwedeng laruin namin ay nilaro namin para makuha ang bagay na gusto nya.



Sabi ko nga bibili nalang kami pero ayaw nya gusto nyang paghirapan at dahil may dedication ang batang ito sa lahat ng bagay ay nakuha nya ang gusto nya.



Isang malaking box ang nakuha nya parang surprise box ganon 5,000 tickets kasi ang total na nakuha nya, ang galing noh ako nakakailang ticket lang tas sya madaming nakuha ang unfair ganon ba pag pogi? Pano naman yung maganda eme.


Nakauwi na kami, naabutan namin na kumakain sila mom kaya kumain na din kami, kompleto kami himala at walang lakad ang mabait kong kapatid na si jasson. Wala namang special na nangyari kain lang, tas biglang nagsalita si kuya Miguel


"Hey princess, nakabili ka na ng school supplies ang tanong nakapag enroll ka na ba?" Tanong nya sakin. Gagi oo nga pala ang bobo ko naman


"Ahh ano dipa, di ko pa naman kasi alam kung saan ako magaaral eh at kung mag aaral pa ako." Taas babang kilay na sabi ko sakanya.


"Ayy bobo, tatlong araw nalang magpapasukan na tapos di mo pa alam school mo? Tanga mo naman." Aba gago to ahh


"Hoy! Makatanga ka ahh, eh di ko pa naman alam kung papasok ako kinginang to!" Letche ahh




"The two of you watch your mouth nasa harap kayo ng pagkain yung mga bibig nyo walang preno." Seryosong sabi ni dad saka kami tinignan dalawa ni kuya. Kasi naman bonak nito!


"Sorry dad." Sabay naming sabi ni kuya. Saka ko sinamaan si kuya ng tingin gagi to pasalamat sya nako, tinignan nya din ako at tumawa ng nakakaloko aba pinagtitripan ako nito ah



"Bakit hindi ka nalang sa school ng kuya Jasson mo at ni Louis anak? Sa Thompson International total dun ka din naman galing diba?" Hala nananadya ba si mom?


"Oo nga ate dun ka nalang ulit para may kasabay ako umuwi, si kuya Jasson kasi nung may pasok pa minsan lang ako sinasabay, puro kasi mga kai-" di nya natuloy ang sasabihin nya nung tinignan ko sya, yan manahimik ka kapatid.



"Mom's right dun ka nalang mag aral para di ka manibago." Sabay smirk aba? Gago to ah, nag agree ba sya dahil sinabi ni mommy o dahil may balak sya pagtitripan ako? Sige inamo ah



"Sure mas okay na din gaya ng sinabi mo KUYA." Sinamaan ko sya ng tingin, sige inumpisahan moko ah siguraduhin mong tatapusin mo to.


Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa hapag at pumunta na ng kwarto, naiinis ako ehh patuloy kong iniiwasan ang mga bagay bagay pero ipipilit nya gago ba siya? Ganon siya kagalit sakin letche.



Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon