Chapter 9

550 32 0
                                    


Nakarating ako ng Underground Arena may kalayuan at tago ang pinagparkan ko, mahirap na baka mapano pa ang motor ko.

Habang nag lalakad ako sinuot ko ang maskara ko, kita lang ang mata ko. Nagtali din ako ng buhok para di sagabal sa muka ko.

Ang suot ko naman ay sandong white  na pinatungan ng leather jacket at sa pambaba naman itim na pantalon at boots naman para sa paa ko.

Hindi ko nakwento pero meron akong grupo. Binubuo ng 12 na member ang grupo ko at hindi ito basta basta grupo, Gangster ito. Gusto nyo malaman ang kwento sa likod ng grupo ko? Maghintay kayo gugulpihin ko pa si Henry hehe.

Malapit na ako sa may entrance pero lumihis ako, alam kong hindi sa loob ang away dahil hindi makakasagot si Henry sa ng call kung may laban at isa pa wala akong nabalitaan na may mangyayaring battle kaya paniguradong sa likod or sa parking area nila pinagtutulungan si Henry.

At hindi ako nag kamali dahil andito nga sila sa likod nilalabanan ni Henry ang mga hinayupak at mukang hirap na nga si Henry.

"Hoy mga hinayupak! Di nyo titigilan kasama ko ha?" Sigaw ko. Kailangan ko gawin yun para mawala ang attention nila kay Henry at makahinga muna kahit saglit.

Nilingon ako ng mga lalaki at tinititigan ako mula ulo hanggang paa. Kapal naman nilang tignan ako ng ganon huh.

"Ayy sa ganda ng katawan mo sa lalaking to ka sumasama? Di ka mapoprotektahan nito miss gusto mo samin ka nalang sumama ha?" Palapit ng palapit ang lalaki sakin siguro ito yung walang kwenta nilang leader. Nagawa pa akong bastusin mga walang hiya.

"Andromeda huminga ka muna jan ako nang bahala dito."

"Aba lalaban hahaha, ano bang kaya mong gawin Tumakbo? O tumawag ng tulong hahahaha." Aba minamaliit ba nila ako? Tignan natin.

"Bat di kayo lumapit para malaman nyo?" Dahil sa sinabi kong yun ay lumapit ang isa sakanila.

Aamba palang sya ng suntok pero naunahan ko na, sinuntok ko sya sa may pisnge napadaing naman sya pero bilis atang nawala yung sakit dahil sinugod nya ulit ako.

Sa nakikita ko sa galaw nya balak nya akong hulihin kaya kinuha ko na ang pagkakataon na sipain sya sa sikmura.

"Tangina!" Daing nya. Ikaw ba naman sipain ng naka boots tapos may takong pa mapapadaing ka nalang talaga.

Nakahiga lang yung lalaki at iniinda pa din ang sakit inangat ko ang tingin sa mga lalaki at nginisihan sila mga gago kayo ah sige laban.

May sumugod ulit pero dalawa na sila patakbo silang sumugod sabay suntok muntik na akong masuntok sa muka pero naiwasan ko yun ang kaso yung suntok sa tagiliran ko di ko naiwasan tangina.

Hinayaan ko lang yung sakit dahil dalawa silang kaaway ko di ako pwedeng mawala sa focus. Akmang susugod yung isa pero sinipa ko sya sa tyan sabay suntok sa muka, ang isa naman ay balak akong hilahin pero mas mabilis ako sakanya siniko ko ang muka nya dahilan ng pagkaupo nya. And to make sure na di sya makakatayo agad i smashed his throat, one solid smash to the throat will cut off his air supply, essentially cutting off the power supply to the house. You can survive for only a few minutes without oxygen -- once you don't have air coming in, nothing else matters. Tignan lang natin kung mabubuhay ba sya o hindi.

Bale walo sila may tatlo na akong napatumba, lima pa kaya na namin to ni Henry.

"Andromeda, nakahinga ka na tulungan mo na ako dito para matapos na." Agad naman syang tumayo kaya napangisi ako.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon