Chapter 18: Mission

386 28 1
                                    







Saktong 6 nagising ako, naka ilang snooze ako ng alarm at napag desisyonan nang gumising.

Takte kulang pa talaga ang tulog ko eh pero wala eh gising na din diwa ko.

Dahil walang pagkain, naligo lang ako dito sa condo.

Yung uniform ko? Maganda sya.

Above the knee na skirt na kulay blue na may simpleng dalawang stripes sa bandang baba. White long sleeves na may name plate sa kanang dibdib tapos kulay blue na ribbon na makapal. Pinaresan ko lang ng black socks yung mahaba tapos two inch school shoes.

Sanay na ako sa uniform na to dahil nasuot ko na din naman to noon, pinagkaiba lang kulay green naman nung jhs ako.

Nang matapos na ako sa sarili ko naghanda na din ako para umalis.

May iilang ingay akong naririnig paglabas ko ng condo ko, pero hinayaan ko lang. Aga aga ang iingay.

Nang makapasok sa elevator may mga makakasabay ako kaya pumwesto ako sa pinakalikod, huling pumasok ang lalaking naka mask nanaman at nakashades.

Pumwesto din sya sa likod kaya ngayon ang ending magkatabi kami. Nasa 8th floor kami kaya may possibility na may mga sasakay pa sa elevator na to dahil iilan lang naman kami sa loob.

"Magjojogging ka ba habang may suot na facemask at shades?" Bulong kong tanong na sakto lang na maririnig nya.

Nilingon nya naman ako at saka tumawa ng mahina.

"Hindi, may pupuntahan kasi ako kaya naka ganito ako." Sagot nya naman.

Eh? Tas naka jogging pants at hoodie na white lang sya? Para syang tanga.

Di na ulit ako nagsalita kaya pati din sya.

Iniisip ko kung pano ako gagawa ng move, gustuhin ko man na umpisahan ang paghahanap ng lead sa mga gang na nasa iba't ibang school pero parang mas kailangan kong intindihin ang pinaka unang mission na binigay samin ng committee at yun ay kilalanin ang Cluster Gang.

Tatawagan o pupuntahan ko sila Hale mamaya para akuin ang mission na yun. Hahayaan ko sila dun sa limang gang.

Nagulat ako nang kalabitin ako ng katabi ko.

"it looks like you're deep in thought, kailangan na nating lumabas ng elevator." Sabi ni Azi. Shocks nakakahiya may mga taong nag hihintay kaya dali dali akong lumabas sa elevator.

Ramdam ko naman ang pagsunod nya kaya hinayaan ko lang taena nakakahiya naman.

"Sorry lutang hehe, mauuna na ako sayo Azi ingat." Patakbo akong pumunta sa valet attendant para kunin susi ng sasakyan ko.

I have my spare key but it's better kung makuha ko din yung totoong key.

Balak ko pa sanang dumaan sa 7/11 pero wag nalang pala. Sa school na ako bibili ng foodams ko.

Light traffic lang naman ngayon dahil maaga pa.

Nakarating na ako ng school, madami ng students sa paligid. Di ko pa nakikita ang sasakyan ni kuya di pa sila nakakarating?

Nang icheck ko ang oras malapit na mag umpisa ang klase pero bat wala pa sila.

Akmang maglalakad na ako nang may mga sasakyang paparating, kasabay nito ang sasakyan ni kuya eh??

Nang makapag park na ang mga sasakyan nagsilabasan na din ang mga taong may nag mamay ari ng mga sasakyan.

Kunot noo ko silang sinuri, muka silang panda ang lalaki ng eyebags nila, ano bang nangyari sa mga to nag puyat ba sila? o hindi natulog? buti pa yung eyebags ko di gaanong malaki tulad nung kanila.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon