Chapter 24: Forgiven

362 31 4
                                    

Gaya ng sabi ko kagabi, uuwi ako ngayon sa bahay pero di ko sinabing maaga ako. Dahil hapon na ako umuwi. Mukang may importanteng mangyayari ngayong araw.

Pagkarating sa bahay hindi kasambahay ang sumalubong sakin kundi si Kuya na naka formal.

"Ano meron?" Kunot noo kong tanong.

"Family Meeting, kaya mag ayos kana." Sabi nya sabay tulak sakin.

Kahit clueless ako nag asikaso pa din ako.

Simpleng white sando na pinatungan ng kulay beige color na blazer at culottes pants naman pang baba, white shoes naman sa paa.

May maliit na bag din akong dala, ilalagay ko lang dun ang wallet at phone ko.

Pagkababa, nakaready na silang lahat at mukang ako nalang ang hinihintay.

Isang sasakyan lang ako gamit namin para di hassle. Iniwan ko muna si Azi sa Aramis para naman may gawin sila sa buhay.

Isang oras at kalahati ang byahe, may kalayuan din kasi ang lugar na pagdadausan ng meeting.

Until now clueless pa din ako sa family eklabu na yan. Ayoko naman magtanong dahil nakakahiya kaya shut up nalang ako.

Isang mamahaling hotel, yan agad ang masasabi mo kapag kakita mo sa lugar, maganda at mukang mga mayayaman talaga ang nagchecheck in dito.

May mga sumalubong saming receptionist at kinausap sila Mom at Dad. Kaming apat naman ay andito lang sa likod at tahimik na nililibot ang mga mata.

Habang papalapit kami sa hall kung saan gaganapin ang meeting bigla akong kinabahan. May mangyayari ba?

Tatawagan ko na ba sila? Takte bat ako kinakabahan?

Nasa tapat na kami ng pinto. Mas lalo akong kinakabahan.

Biglang hinawakan ni Louis ang kamay ko ng mahigpit. Tinignan ko sya at nginitian nya ako. Alam nya?

Nang bumukas ang pinto bungad samin ang isang napakalawak na venue, ang ganda sa buong paligid pero sakin sa mata nung mga kumikinang.

May music din, kung hindi ako nag kakamali ang music na to ay ang The Four Seasons ni Antonio Vivaldi.

Maririnig ang tugtugin ito sa mga luxury restaurants. Bat ko alam? I used to it.

Matao pero hindi puno ang hall. Nang tignan ko ang kausap ni Mom....

Tita Charlene? Mom ni Anthony.

Wth?

Wala si Kuya at Jasson.

"Where's Kuya and Jasson, Louis?" Tinignan ko naman sya, nginuso nya ang labi nya parang may tinuturo sa malayo.

Dahan dahan ko pang nililingon ang ulo ko na dapat di ko na ginawa.

Andito sila, nakatingin sila sakin putangina. Sino? Ang mga itlog.

Nakita ko naman na palapit sila dito sa pwesto ko pero buti nalang naglakad na sila Mom kaya sumunod kami ni Louis.

Akala ko... Akala ko..... Tangina akala ko titigil sila sa paglapit pero hindi pala, sinundan nila kami.

Pero bat ko naman sila iniiwasan? Tss. Pero baka andito din parents nila? Pero baka wala kaya andito sila? Pero...Pero...Pero

"Cley? Cley? Cley! Miracle!" Tanong ni Cloud.

"Huh?"

"Are you okay? Wala ka ata sa earth di mo manlang ako marinig." Wala ako sa earth kasi nasa mundo nyoko tss.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon