Chapter 19: 9 Eggs

386 32 4
                                    

Isang boring na araw nga naman, isama mo pa ang lalaking buntot ko.

Kanina simula ng malaman nya na babantayan ko sila walang tigil sa pagsunod ang lalaking to. Sino? Sino pa ba edi si Cloud.

Hindi ako tinantanan nito mula kanina. Ilang beses ko na syang tinaboy pero walang effect. Pinatunayan nya talaga ang pagiging makulit at matigas ang ulo tsk.

"Uuwi na ako Cloud, pwede ka nang umalis." Lantang gulay kong sabi.

"Ihahatid na po kita po." Aishh. Tsk.

"I have my car Cloud, hindi mo na ako kailanga ihatid." Onti nalang sisigawan ko na talaga to. Gumamit sya ng magic word. Ano yun? Yung 'po' at 'opo'.

Noon pa man kapag may ginawa silang katarantaduhan magiging magalang yan sila tapos susunod sila sa lahat ng iuutos ko.

Example na yung ginawa ni Kuya kanina at yung kay Cloud ngayon.

Muntik ko ng makalimutan taga bantay nga pala ako ngayon tsk.

Hinarap ko si Cloud na may maaliwalas na muka.

"Pangit mo." Tanging sambit ko na mas lalo naman kinaliwanag ng muka nya.

"Compliment yun galing sayo hihi" Compliment amputa.

"Nasan nga pala yung walong itlog? For sure si Kuya hinatid si Louis pauwi." Wala kasi ang mga itlog ko eh. Aakuin ko muna sila kahit may kasalanan sila sakin.

"Nasa tambayan, magbabar hop- happy birthday to you! Sige Cley uwi ka na hehe. Ingat ka ahh love you! Bye." Hinalikan nya pa ako sa noo saka dali daling tumakbo.

Tama ba pagkakarinig ko? Magbabar nanaman ang mga gago. Humanda sila sakin.

Saktong 6 pm naka uwi ako sa bahay, malayo kasi kapag sa condo pa baka matagalan ang pang huhunting ko sa mga itlog.

Tanging mga kasambahay lang ang nakita ko pagpasok walang mom at dad dahil umalis nanaman sila for business trip, siningit lang talaga ni daddy yung pag punta nya sa school kanina.

Tinanong ko ang mga kasambahay kung nasan ang dalawa kong kapatid, sabi naman nila baka nasa kwarto gumagawa ng activity or nag papahinga.

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Louis, naka tatlong katok ako pero walang sumagot kaya pumasok ako sa kwarto.

Puno ng anime figures ang kwarto nya, may iba't ibang anime poster at human size standee din. Meron syang dalawang table ang isa ay para sa computer at monitor at yung isa naman study table hindi naman halatang spoiled sa gamit ang batang to, hindi talaga konti lang.

Napadako naman ang tingin ko sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Louis, tanging higaan nya lang ang matino sa kwartong to. Simpleng king size bed lang na may white cover tapos mga kalat na unan sa paligid ng bed.

Kiniss ko lang ang noo nya at umalis din sa kwarto nya. Si kuya ang gagambalain ko.

Walang katok katok agad na pumasok ako sa kwarto ni Kuya. Pagkapasok sa loob maaamoy kaagad ang panglalaking pabango dito sa loob. Kulay Black and Gray ang buong paligid pati ang bed nito.

"Anong kailangan ng prinsesa ko?" Taning nya habang nakatutok sa telepono nya.

Lumapit naman ako atsaka patalong humiga sa side ng bed nya.

"Do you know where the nine eggs now?" I curiously asked.

"9 eggs?"

"Yeah at ikaw ang leader non." Mukang nagets nya naman kaya sumimangot sya.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon