Chapter 16

463 26 1
                                    


Miracle's POV

"Dominic!" Hinahabol ko ang paghinga ko. Takte palagi nalang ba?

Ang liwanag naman.

Ramdam kong may nakahawak sa kamay ko kaya tinignan ko iyon. Nakita ko ang natutulog na si Cloud tulo pa ang laway nya.

Tinignan ko lang ang payapang muka nya. Mas lalo syang pumogi.

Ang kapal ng kilay nya, yung pilik mata nya makapal din at mahaba, yung ilong nyang matangos nagsasabi ng hi sakin haha, tapos yung lips nya pouty aww cute creature.

Ano bang nangyari?

Pumasok ako tapos may narinig akong nagbabangayan tapos may nabuhos na malamig na tubig, tapos si Crystal!

Mabilis kong kinuha ang kamay kong hawak ni Cloud. Alam kong magigising sya pero binaliwala ko lang iyon, mabilis ko ring tinanggal ang dextrose na naka kabit sakin.

Akmang aalis na ako sa higaan ko kaso biglang sumakit ang ulo ko kaya napasigaw ako ng malakas.

"Arghhh, putangina!" Hawak ko ang ulo ko at nakapikit.

Rinig kong may mga sapatos na papunta sa room na to, ramdam ko din eh.

Nagulat ako ng may kamay na humawak sakin kaya napaiwas ako, sabay non ang pagbukas ng pinto at pumasok ang dalawa kong kapatid na nag aalala.

Lumapit si Kuya sakin pati na din si Louis, takte alam na nila wala na finish na.

"Bakit hindi mo sinabi? We know nothing Cley! Saka lang namin nalaman na may sakit ka nung tumawag sakin si Cloud. Pati ba naman yang sakit mo itatago mo ha? Panong kung mas worse ma ang nangyari sayo? Tangina Cley!" Ramdam ko ang galit ni Kuya parang may halo ring tampo.

Kanina ko pa iniiwasan na mahawakan nila ako. Ayoko lang naman na malaman nila dahil paniguradong iuuwi nila ako at pagpapahingahin which is i can't, di ako mapakali kapag may sakit ako.

Tsaka di ko naman alam na may mangyayaring di maganda eh, bwesit na Crystal yun.

"Pag sinabi ko kasi papauwiin nyoko. Alam nyo naman na di ako mapakali kapag may sakit ako, mas gusto ko pang mag aral kesa magpahinga." Sabi ko pero di ko sya tinignan.

Yung dalawa naman tahimik lang. Si kuya lang talaga yung madaldal jusme.

"Kahit na! Pinag alala mo kami." Sabi ni kuya na nagpatahimik sakin.

Sabi ko nga mag aalala sila.

"Ahm, kain ka muna Cley para makainom ka na ng gamot mo." Sabi nang nasa tabi ko.

Ayokong magsalita, nasakit ulo ko nyeta.

Insasikaso ni Cloud at Louis ang kakainin ko. May prutas tulad ng apple at grapes, meron ding kanin. Ang ulam naman ay sinigang na baboy.

Si Cloud balak nya pa akong subuan pero sabi ko kaya ko na, pero nag pumilit sya wala na din akong nagawa dahil masakit pa rin ang ulo ko kaya hinayaan ko na sya sa gagawin nya.

"Masarap?" Tanong nya kaya umoo ako, wala namang hindi masarap sakin eh lalo na kapag may sakit ako.

"Sinong nagluto?" Ngumiti lang sya at hindi ako sinagot. Luh baliw ba to?

Teka nasan ba ako? Parang hindi naman ganito ang clinic ahh.

"Where am i? If I'm not mistaken hindi ganito ang clinic, so san to?" I asked.

"Oww, andito ka sa tambayan namin, we have complete hospital equipment kaya diniretso ka namin dito." Sagot naman ni Cloud.

Wow ang cool.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon