Chapter 22: Little Pup

387 34 1
                                    


10 am na ako nagising.

Sobrang lamig takte. Nang makabangon pansin kong may nakahiga sa sofa.

Dahan dahan lang ang pag galaw ko. Habang papalapit sa gawi nya, hinanda ko na din ang kamao ko.

Akmang susuntukin ko na sya ng bigla syang gumalaw at nakaharap na sakin pero tulog pa din.

Juskong Alexander to pinakaba ako.

Bat dito natulog ang lalaking to? Tarantading ba sya. Hindi nya naman ako kailangan bantayan eh.

Napadako ang tingin ko sa muka nya. Ang gwapo naman pala nito, mala Patrick Garcia bata version.

Wala nga lang nunal, under cut naman yung sa buhok nya.

Makapal yung pilik mata pero di sya yung masyadong mahaba katamtaman lang para sa isang lalaki.

Nilapit ko pa ang muka ko para matignang mabuti ang muka nya pogi talaga, pero di ako mabibihag jan tss.

"Pogi ko ba masyado kaya lapit na lapit ang muka mo sakin?"

Nasampal ko sa dahil sa gulat.

"Tarantado ka! Ginulat moko animal!" Sapo sapo ko ngayon ang dibdib ko

Sya naman ininda yung pagkakasampal ko, buti nga.

Ngiti ngiti pa ang yawa.

"Bakit mo ba kasi ako tinititigan, sobrang pogi ko noh?"

"Kaya pala malamig ikaw kasi may pasimuno tss. Bakit ka andito sa kwarto ko? Bastos ka no? Manyak? May balak ka sakin? Tanginamo!"

"Chill, alam kong maganda ka pero wala akong gagawing masama sayo. Baka ikaw nga tong meron kasi tinitignan moko."

Aba ang kapal din ng muka nito ah.

"Kapal ng muka mo ulol!" Tumayo ako at nagpunta sa banyo.

May nakahandang tshirt at cotton short may towel din kaya maliligo ako.

Mabilisan lang dahil may gago akong kasama dito sa kwarto.

Nang masuot ko ang damit, well malaki sya sakin pero gusto ko, may design syang letter at nakalagay ay 'Handsome'. Sa short naman simpleng gray lang na above the knee 1 inch nalang siguro hanggang tuhod ko na to.

Yung pinaghubadan ko naman tinupi ko at iniwan sa lababo.

Nang makalabas sa banyo naabutan ko si Alexander na nakatulala sa kawalan habang naka ngiti.

"Baka isipin ko na may nakikita kang di ko nakikita, ipapa albularyo talaga kita." Pag agaw ko sa attention nito.

Napalingo naman sya sa gawi ko at mas lalong lumawak ang ngiti nya. Weird.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko bat ka andito ha?" Maangas kong tanong.

"Bawal na ba ako dito sa bar ko? Tsaka binantayan lang naman kita dahil kamuntikan ka na kanina."

Huh?

Alexander's POV

She's confused cute.

"Diba iniwan kita dito dahil nagtatrabaho pa ako sa baba? May sumalisi palang trabahador dito, nalaman nilang may babae sa kwarto nato kaya kamuntikan ka nang babae ka. Buti nalang nakarating agad ako dito, napaaga tuloy yung pagpapakilala ko bilang may ari ng bar na to. Tsk." Pagpapaliwanag ko.

She almost got raped because of those stupid trabahador.

I'm Alexander, owner of this bar. Minomonitor ko ang galaw ng nga nagtatrabaho dito dahil nabalitaan kong ang iba sakanila ay nang gagalaw ng mga customers, nakakasira ng image ng bar yun kaya naisipan kong magpanggap na magtatrabaho dito.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon