Chapter 26: R's Message

354 27 8
                                    


Pagdating sa condo may napansin akong maliit na papel na nakasabit sa door knob ko.

Nang tignan ko iyon syempre pero nagtaka ako sa naka sulat...

Traitors

R

Traitors? Ginagago ba ako nito? Tss.

Di ko lang pinansin at dumiretso sa loob. Pero parang bigla akong binabagabag ng sulat na nabasa ko.

Hindi sya hand written eh printed, shala mayaman nakaprint.

Wala akong magawa, balik kaya ako sa school? Kaso guguluhin ako. Takte naman. Babalik nalang ako mamayang break.

At dadalhin ko si Azi para may reason ako mabuhay ng tahimik. Kung matatahimik.



Mali ang decision ko. Pagdating sa school nasa parking lot ang isip bata at mukang naramdaman nyang babalik ako jusko naman.

Hindi ko na din sana dinala si Azi dahil mukang stress na sya sa babaeng pilit syang hinahawakan.

"I want to hold him kasi."

"No."

"Sige na!!"

"Stress sya sayo kaya hindi."

"Hindi naman ehh." Nagbebaby talk pa nga.

"No, hindi, bangō, aniyo, nu, de. Six language na ang ginamit ko para maintindihan mo." Umalis ako sa canteen at pumunta sa garden, tahimik dun kaya dun ako.

Tahimik lang ako dito nang biglang dumating si Kuya Rony yung guard ng school.

"Ma'am Miracle magandang tanghali po. May nakita po akong sobre sa guard house nakapangalan po sainyo pero walang nakalagay kung kanino galing." Aniya.

"Ay ganon po ba? Sige po salamat po sa paghatid."

"Sige iha, balik na din ako sa guard house." Sabi nya saka umalis.

Nang buksan ko ang sobre......

Pretenders to be exact

R

A message again? What the fvck? Who the fvck are you?

"Earth to my baby!" Sigaw ng kung sino.

Nilingon ko sya. Tss si Kuya lang pala kaya tinago ko din agad ang papel.

"Ano yun ha? Love letter patingin."

"No, hindi sya love letter."

"Huh?"

"Bingi ka ba o bungol?"

"Aww palagi ka nalang galit alam mo ba yun?"

"Alam ko."

"Napakasungit mo anong meron? May dalaw ka noh?" Ang ingay daig pang babae.

Heart Less (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon