Chapter 12

107 3 0
                                    

Tragedy

Today is the day.

Agad kong binitbit ang dala kong bag ng makitang ala sais na ng umaga at kailangan ko ng lumabas ng bahay para hintayin nalang sila Callie sa tapat.

Syempre hindi ulit ako nakapag paalam personally kay ate dahil nasa ospital padin iyon ngayon dahil naka night shift at mamaya pa ang uwi.

Nakapag-usap naman na kami kagabi at madami na din siyang mga bilin na nasabi at mga paalala.

Dahil si Cade naman talaga ang mag da-drive the whole day napag desisyunan nila na dadaanan nalang daw ako dito lalo na't nasa same subdivision naman kami.

Kaya maya-maya lang na paghihintay nakita ko na agad ang pamilyar na Montero Xpander Black Series na sasakyan ni Cade kasama si Callie.

"Give me your bag." Si Cade iyon at kinuha ang dala kong bag at nilagay sa backseat kahit pwede namang ako nalang ang magbuhat dahil doon din naman ako uupo.

"Good morning Nathalie." Nginitian ako ni Callie at niyakap.

"Good morning." Pagbati at ngiti ko din sa kaniya.

Hindi nawala ang ngiti ko sa labi ng makasakay na ako sa backseat ng mapagtanto na nakakapag-usap na talaga kami na walang awkwardness.

At some point‚ I think na ganoon lang talaga ang mga introvert na katulad ko. They don't usually talk too much infront of someone they may not be close with‚ but with someone they know personally‚ it's different.

Dahil centro ang Mall of Manila sa lahat ng tinitirhan namin ng mga ka grupo ko‚ doon namin naisipan na magkita kita nalang para ma pick up sila Mia at Bethany.

"Here yung video natin‚ if you want magpakita or introduce something you want‚ don't hesitate. Pandagdag na din kasi sa documentation." Si Callie sabay abot sa akin ng DSLR camera niya.

"Ahh naka-video kana pala‚ good." Natawa ako doon at kinuha ang camera‚ nag video ako doon at kumaway.

"Hello‚ I'm Nathalie of BS nursing and we're currently in our way to the Bacolod!" Masayang bati ko sa camera.

Agad kong hinarap ang camera kila Callie at Cade.

"And these are my groupmates. I am with Callie and Cade‚ and we will be picking up Mia and Bethany which is a part of our group also."

"Hi!!" Masayang bati ni Callie at binatukan si Cade na wala yatang balak magpakita sa video pero napilitang kumaway habang natatawa.

Wow it's out of the blue.

"Hi."

This twin is kinda similar and different to each other.

Siguro parehas na introvert yun lang‚ pero ang pagkakaiba‚ I think Callie is more approachable than Cade. Siguro dahil babae at medyo hindi lang talaga mahilig makipag socialize si Cade.

But being with them in a shortest period of time‚ I can definitely already say that they're really kind.

Mga twenty minutes siguro kaming bumyahe simula sa bahay papuntang Mall of Manila at andoon na namin nakita si Bethany pero wala pa si Mia.

Late talaga ang bruha lagi.

Automatic kong inopen ang camera at tinapat kay Bethany.

"Here's the other member. Bethany." Si Callie iyon.

Nakita iyon ni Bethany at kumaway din.

"Hello‚ Good morning." Natatawa siya ng sabihin iyon.

Napangiti ako ng mag enjoy kaka video. It's my first time doing these kind of things. Ang maging madaldal sa harap ng camera at ang makipag socialize sa ibang tao.

Love UnknownWhere stories live. Discover now