Chapter 13

94 4 0
                                    

Relatives

Napaupo ako sa isang sofa nila sa living area ng makitang may hinahanda siyang pagkain sa kusina nila.

It's not that I'm here to eat?

"Eat." Lumapit siya sa akin at sinabi iyon sabay abot ng mangkok na may lamang pagkain.

It's not even a request instead a command.

"Hindi naman ako gutom." Mahinang bulong ko pero tinanggap padin ang hawak niyang mangkok.

Snack lang naman iyon kaya tinanggap ko na. Mga crackers iyon at may chocolate na dip.

Napanguso ako dahil doon. Hindi ko man sinabi sa kaniya iyon pero parang alam niya ang paborito kong snack sa pagbibigay niya ng pagkain. I usually dip the crackers in peanut butter. But after this.

This may be my comfort food now. Crackers with chocolate dip.

"What else do you want to do?" Siya sabay upo sa tabi ko. Napa urong ako ng bahagya at napatikhim dahil sa pag lapit niya. Naramdaman ko din ang sobrang paglubog ng sofa sa tabi ko dahil sa pag-upo niya.

"Wala." Tipid kong tugon at paunti-unti ay kumakain ng crackers.

Agad ding nawalan ng gana ng muli kong maalala si Mia.

Naramdaman kong muli ang pag-init ng gilid ng mata ko pero pinigilan ko iyon.

Naramdaman ko ang pagmamasid na tingin ng katabi ko at kung paano siya tumikhim sa sariling bibig.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

Namutawi ang mahabang katahimikan sa amin hanggang may naramdaman akong mga yapak na tumatakbo pababa sa sarili nilang hagdan.

Agad akong kinabahan pero nakita ko ang namutawing ngisi sa labi ni Cairo.

Pinanlakihan ko siya ng mata at kilay na nagtataka habang nakataas ito.

Hanggang sa napadapo ang mata ko sa tumatakbo at hingal na hingal papunta sa gawi namin.

Nanlaki ang mata ko ng makita iyon‚ agad akong lumapit dito lumuhod para sipatin ang ulo nito at yakapin.

It's a dog at kung hindi ako nagkakamali sa lahi nito‚ Golden Retriever iyon. May dog tag din siya sa leeg at may letter M na nakalagay.

"Wow! You're also a dog owner?" Natawa ako dahil doon dahil hindi ko inaasahan iyon. Well nakita ko kung paano niya laruin noon si Molly kaya naisip ko na may alaga din siya‚ but to see it personally parang hindi padin ako makapaniwala.

"Wow." Natawa ako ng magpabida ang aso at mag gawa ng iba't ibang tricks. Nagpa ikot-ikot siya sa harapan ko habang gumagalaw ang buntot. Agad akong naaliw doon dahil hindi ganon si Molly‚ tamad kasi.

"What's his name?" Panandalian ay parang nagkaroon ng buhay ang mata ko.

I really love dogs.

Napalingon ako kay Cairo nang makitang papalapit siya sa amin hanggang sa nag squat din sya sa tabi ko at nilaro ang aso‚ lumapit naman sa kaniya ito at dinilaan ang muka niya na ikinatawa ko.

"Moshie." He smirked.

"He's so cute!" Natawa ako at muling niyakap si Moshie.

"You can have him." Tinignan ko siya pero napaiwas din ng maaabutang nakatingin siya sa akin ng deretso.

"Huh?" Napalunok ako doon.

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang yon para wala na siyang masabi pang iba kahit parang sa sarili ko gustong-gusto ko lahat ng lumalabas sa bibig niya.

Love UnknownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ