Chapter 17

80 3 0
                                    

Unexplainable

Nakatulala lang ako sa dingding ng kuwarto ko at hindi alam ang gagawin. Wala akong ibang maisip kundi ang lahat ng nangyari sa mga nagdaang araw at oras.

Hindi ko na alam ang gagawin ko‚ walang klase o pasok. Patay na si Mia. Yung nangyari sa amin ni Cairo. Ang pagiging malamig ni ate. Hindi ko alam kung paano ko iisa-isahin ang lahat ng iyon.

Kusang tumulo ang luha ko at agad kong pinahid iyon at natawa.

I don't know if my mental health is still fine at this point.

Sumasakit ang puso ko sa kung anong nangyari sa akin at sa amin.

Hindi ko malayo ang isipan ko sa relasyon namin ni Cairo.

We're not even friends. I don't fully know him yet. We're not lovers‚ pero bakit nangyari na samin yon.

I just gave him my virginity.

Ginusto ko naman yon‚ sa totoo ako lahat ang bumigay sa bagay na yon para mangyari ang namagitan sa amin. So bakit parang umaasta ako na ayaw ko? Umaasta ako na iba ang may kasalanan at hindi ako?

Cairo:
I'm home. Magpahinga ka nalang muna sainyo. I know you're tired.

Napaangat ako ng tingin sa phone ko ng mabasa ang text message niya.

Hindi ko siya nireplyan at nahiga nalang sa kama.

Ano ba talaga tayo.

Gustong-gusto kong itanong sa kaniya ang mga yan ngayon pero natatakot ako.

Natatakot ako na hindi naman ganon ang tingin niya sa akin. Na one sided lang ang pagkagusto na ito.

I don't even know if I love him or I just like him. Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako.

Sa mga salita na binibitawan niya habang ginagawa namin yon‚ ramdam ko naman na nagugustuhan niya ang namamagitan sa amin. Pero hindi naman sapat na ganon lang kung hindi niya naman talaga sinasabi sa akin ang totoo niyang nararamdaman.

I like him pero natatakot ako na hindi gano'n ang nararamdaman niya sa akin. Masakit.

Pero gusto lang naman 'to diba?

Pwede pa namang mahinto‚ pwede pang maagapan‚ pwede ko pa siyang layuan at iwasan.

Napahawak ako sa ulo ng maisip ang napaka unfair na desisyon. Wala naman siyang alam sa nararamdaman ko so bakit kailangan ko tong gawin sa kaniya.

Sabihin mo lang na gusto mo din ako‚ ipaglalaban ko tong nararamdaman ko.

This is my first time to feel this kind of feelings. Masyadong malalim at nakakasakit ng damdamin.

Iniyak ko lahat-lahat ng nararamdaman at sama ng loob ko. Kung nabubuhay lang si Mia sinabi ko na sa kaniya lahat ng 'to.

I regretted for not telling her about Cairo nung nabubuhay pa siya.

Wala akong mapagsabihan ng nararamdam ko at sobrang sakit na.

Wala naman kaming pinagtalunan. Maayos kaming naghiwalay kanina. Nag update siya ng maayos sa akin ng makauwi siya.

Bakit ganito ang mga naiisip ko.

Patuloy ang pagtulo ng luha sa mata ko hanggang sa makatulog ako tuloy ay paggising ko ansakit sobra ng ulo ko kakaiyak.

Namamaga na din ang mata ko at parang ayoko nalang lumabas ng kuwarto. Ayokong makita ako ni ate na ganito.

Mabilis kong na check ang cellphone ko at halos tadtad ng message ni Cairo ang inbox ko.

Love UnknownWhere stories live. Discover now