Chapter 30

63 4 0
                                    

Destined

Lumipas ang ilang oras na pananaliti ko sa loob ng kuwarto ko at walang ibang ginawa kundi lumuha ng lumuha.

I feel exhausted at sa mga araw na ganito ang nararamdaman ko palaging si Mia lang ang tinatakbuhan ko para sabihin ang tunay kong nararamdaman. Pero ngayon isa siya sa dahilan ng pagkadurog ng damdamin ko‚ mas lalo lang nagpapabigat sa nararamdaman ko ang dahilang 'to.

Namumugto ang mata at napapasinghap pa ako ng bigla kong makita ang cellphone ko sa side table na umilaw. Dahan-dahan ko 'tong binuksan nagbakasali na si Mia 'yon at okay na ulit kami. Napakurap ngalang ako ng makitang si Cairo ang nag message sa akin two hours ago.

Boo:
I'm sorry for shouting.

Boo:
Nasa bahay kana ba niyo?

Boo:
I'm sorry. Nainis lang ako. You're pregnant‚ you just cried‚ you feel exhausted and I don't even know the reasons‚ yet you said that you want to drive alone. I want you safe‚ and I want to be sure of your safety‚ lalo na't may baby tayo.

Boo:
I'm sorry alright. Tell me if you're feeling better. Let's talk personally.

Tumingala ako sa kisame at napakurap-kurap. Wala naman akong baby pero napaka emosyonal ko padin.

Para sakin ba talaga 'yan o sa baby lang? Tila wala na akong maluha ng maisip na siguradong wala talaga siyang nararamdaman para sa akin. Ang tanging naiisip niya lang ay ang bata.

Lumipas ang ilang minuto nang pag-iisip kung magre reply ba ako o huwag nalang.

Ako:
Let's meet after your graduation day. Let's meet on next‚ next Saturday.

I smile without humor after sending that message.

Their Graduation day will be next Month. Hindi ko alam kung paano ko matitiis na hindi kami magkikita sa mga magdadaan pang mga araw‚ pero bahala na.

Malayo naman ang Nursing building sa building nila kaya as much as possible‚ kaya ko naman siguro siya iwasan at hindi magtagpo ang landas naming dalawa.

Napatawa ako ng wala sa sarili matapos kong humilata ulit ng higa. Tumatawa ako habang may patak ng luha na kasabay.

Walang gana kong kinuha yung cellphone ko ng makitang umilaw ulit ito. It must be Mia.

Ngunit muling nanghinayang ng makita ang nag message.

Boo:
I miss you.

Siguro sa maayos at magandang pakiramdam o kung nasa panaginip ko lang ako‚ baka sobrang matawa at halos kiligin na ako sa message niya. Pero dahil sa sobrang pagkamanhid ng puso ko ngayon. Wala na ako halos maramdaman kahit kaunting tuwa.

Hindi na ako nagreply at tiniis ang kirot na nararamdaman sa puso.

It's so terrifying how fast the time can change someone else's decision and opinion‚ or even minds in general.

Parang bigla ay nagising ako sa mas mahimbing na tulog ng marealize na siguro'y hindi talaga kami para sa isa't isa at dapat ko na tigilan ang kahibangan ko na 'to. Obviously no one deserves to experience this kind of thing‚ especially Cairo.

Kung mahal mo talaga ang tao hahayaan mong mabuhay siya ng wala sa piling ng taong hindi niya naman mahal.

And I realized that. Talagang wala pa siguro ako sa pagiging eksperto sa pag-ibig. Walang-wala pa sa kalingkinan.

Siguro parte lang talaga siya ng buhay ko. Pansamantala pero hindi permanente. Maybe he's literally just came to my life and so I can realized how to love correctly‚ after all he's not the one meant for me.

Love UnknownWhere stories live. Discover now