Chapter 20

77 3 0
                                    

Dream

But I'm not even sure if he's existing at all.

Napagtanto ko na panaginip lang lahat ng mga nangyari na akala ko'y two months ng nakakalipas.

Panaginip na nadala ko sa puso't isipan na hindi ko'y inakala na hindi totoong nangyari.

Masyadong malinaw ang mga panaginip na 'yon at sobrang pinaniwalaan ko. I met several people in that dream that I'm not sure if they're existing in real life.

Naalala ko na kahapon lang ay galing kami sa ospital at binisita namin ang kaklase namin sa biochem na si Brian dahil isa siya sa biktima.

After that‚ 'yon na ang simula ng pagkikita namin ni Cairo sa parking lot at naalala ko pa'y siya ang nakapulot ng nalaglag ko na cellphone‚ pero yun din pala ang simula ng panaginip ko.

Mapait akong napangiti sa sarili.

Nag-ayos ulit ako ng sarili at hindi ko alam kung tuluyan akong magsasaya ng makikita ko na si Mia at muling mayayakap.

Dahil sa kakaiyak. Hindi ko matanggal ang pamamaga at bahagyang pamumula ng mata ko.

Sinimulan kong paandarin ang kotse at napalingon pa ako sa gawing daan kung saan papunta sa bahay nila.

Hindi ako sigurado kung sino si Cairo o tao manlang ba siya. Totoo bang dito din siya nakatira? Totoo bang nag-aaral din siya sa MPU? Totoong tao din ba ang mga kapatid niya at lola? Si Moshie? Ang mga kaklase ko at professor sa pinasukan namin na school ni Mia after masara ng MPU?

Dahil hindi naman talaga nagsara ang paaralan ngayong kasalukuyan. Napagtanto ko din na hindi lahat ng nangyari sa panaginip ko kahit na future‚ ay hindi padin ako sigurado kung lahat ba 'yon ay magaganap sa mga dadaan na araw.

Tila wala na akong mailuluha pa ng walang tumulong kahit anong luha sa mga mata ko matapos kong masulyapan ang daan papunta kila Cairo.

Totoo palang may time na hindi ka nalang naiiyak‚ hindi dahil sa natatanggal na ang sakit at nakaka move on ka na‚ tumitigil ka sa pag-iyak dahil nakakasanayan mo nalang ang sakit.

Lumiko ako sa isang crossing papunta sa bahay nila Mia. Sabi niya sa bahay nalang daw nila kami magkita at naghanda daw ng makakain ang parents niya.

Buti talaga at walang klase dahil nga sa insidente na naganap sa MPU. Ang resume ng class namin ay sa Monday pa. Thursday palang ngayon. Kaya may time kami ni Mia na makapagkita pa kahit papaano.

Nagpatuloy ako sa pagda-drive ng ilang dipa nalang ang layo ko sa bahay nila ay nakaramdam nanaman ako ng kaba. Galit kaya si Tita Mel?

Lumalim ang paghinga ko ng nagbusina ako ng tatlong beses sa tapat ng bahay nila

Bumaba na ako sa kotse at hinayaan nalang na naka park ang sasakyan sa tapat nila dahil may space naman.

"Tao po." Muling pagtawag ko sa loob at napamaang ng tuluyang bumukas ang pintuan nila at nakita ko ang tumatakbong si Mia para buksan ang gate.

Agad akong hindi nakagalaw at nangilid ang luha pero hindi tuluyang tumutulo.

"M-mia." Mariing singhal ko at napatakbo na din sa gawi niya matapos niyang buksan ang gate nila. I hugged her tightly as she puts her hand through my hair.

Batid kong nagulat siya sa inasta ko ng kahapon lang naman ay nagkita kami.

"You missed me agad?" Napapasimangot na sabi niya dahilan para matawa ako.

Hindi ko inaakala. Sobrang sakit na kahit sa panaginip ay namatay siya‚ napagtanto ko na hindi ko talaga kayang mawala siya sa buhay ko.

She's my sister and family by heart.

Love UnknownWhere stories live. Discover now