Chapter 18

83 3 0
                                    

Last

Dahil siguro sa naranasan kagabi nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Masakit ang ulo ko at hindi tipikal na parang binibiyak‚ may kasama itong pagkahilo dahilan para hindi maging maayos ang paglalakad ko.

Kahit na ganon ay pinilit kong maligo at mag-ayos ng sarili dahil may pasok pa kami ngayong araw at madaming gagawin. Mahirap talaga pag college. Isang miss mo lang ng subject sa isang araw andami mo na agad hindi maintindihan na lesson the next day‚ at hindi na makasabay pa.

Hindi na ako nag-abala pang mag ayos ng sobra hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok at hindi manlang naglagay ng kahit anong pampapula sa buong muka maski powder ay wala‚ kaya ng makita ko ang sarili sa salamin ay parang namumutla ako at halatang hindi maganda ang pakiramdam‚ kahit na halatang bagong ligo naman.

Pumasok akong naka pants at tshirt na puti lang dahil naisipan kong sa school nalang magbihis ng puting uniporme dahil bahagyang may ambon sa kalangitan at for sure maputik ang daan. Mahirap na at baka wala pa ako sa unang klase ko madumi na ang buong damit ko.

Maaga pa naman kaya binaon ko nalang ang uniporme ko at may time pa ako na makapag bihis sa school. Naisipan ko nalang din dalhin ang kotse ko at wala akong ganang mag commute ngayong araw.

Bago ako umalis kumain muna ako para malamanan ang sikmura ko dahil feeling ko may maiinit sa tiyan ko o malamig na di ko maintindihan. Mabuti na din na nakakain ako dahil dagdag inerhiya na hindi ko manlang maramdaman sa sarili ko simula palang ng nagising ako kanina.

Lalo lang sumakit ang ulo ko at lumala ang pagkahilo ng umagang-umaga ay traffic na agad sa daan wala pa man ako sa pinaka main road papuntang school.

Napatingin ako sa orasan ng makitang maaga pa naman pero traffic na.

"Baka ma late ako." Mahinang busal ko sa sarili at napapahawak na sa sentido.

Maaga na nga akong pumasok ganito pa. Pero naisip ko din na kung late ako baka mas lalo akong hindi maka abot sa first class ko.

Pero ngayon lang talaga traffic. Talagang maganda ang timing ng mga nasa paligid ko lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko.

Napansin ko din ang biglaang pag-init ng paligid. Maaga pa pero maaraw na kahit umaambon. Init na init ako dahilan para makaramdam ako ng pagka alibadbad sa katawan kaya minabuti ko nang buksan ang car window sa side ko para may pumasok na hangin. Mas fresh pa ang hangin kesa sa aircon kahit pa may onting asik ng ambon.

Napabuntong hininga ako ng hindi maintindihan ang sarili. Naiinis ako.

Dahil sa tagal ng pag-usad ng mga sasakyan hindi ko mapigilan ang sariling mapatulala at mag isip-isip dahilan para muling pumasok sa isipan ko ang kaibigan na pumanaw.

Nabalitaan ko kay Rome na nilibing na si Mia noong linggo. Hindi ko parin matanggap ang pagkawala niya at kung paanong hindi ko manlang siya nasilayan kahit sa huling sandali. Naalala ko pa ang biruan namin noong gabing 'yon.

Nag check din ako ng social media at na diskubreng na unfriend na ako ni Tita Mel sa lahat ng socials namin kaya wala na akong update sa kanila. Tanging si Rome nalang ang nakaka-usap ko sa pamilya nila. Hindi ko din naman masisi si tita 'gayong iyon ang sa tingin niyang tamang desisyon. Kahit na nakakasama ng loob na ako ang sinisisi niya sa bagay na hindi ko naman ginusto hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya dahil unang-una nanay siya at siya ang higit na lubusang nasasaktan para sa sinapit ng anak.

Unti-unti ay hindi ko nanaman namalayan na tumutulo ang luha ko. Mabilis kong pinahid iyon dahil nakabukas ang bintana ko masyadong makaka-agaw ng atensyon ang pag-iyak ko lalo na't bukas pa ang bintana ng kotse. Hindi din naman maiisip ng nakakakita na galing lang sa ulan ang mga luhang nailalabas ko.

Love UnknownWhere stories live. Discover now